Suspek sa pagpatay sa babaeng inilibing sa sagingan, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pagpatay sa babaeng inilibing sa sagingan, arestado

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Majayjay police
Kuha ng Majayjay police

QUEZON — Nasa kustodiya na ng Majayjay Police ang suspek sa pagkamatay ng 6-anyos na babae na natagpuang nakalibing sa sagingan sa Barangay San Roque noong nakaraang Linggo.

Ayon sa pulisya, natunton nila ang bangkay sa isang mababaw na hukay sa tabing-ilog sa naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa kaniyang bahay matapos itong isumbong ng kaniyang kapatid sa mga awtoridad, ayon sa hepe ng Majayjay Police na si Major Rodiard De La Peña.

Umamin naman ang 34-anyos na suspek nang dalhin ito sa presinto.

ADVERTISEMENT

Aniya, aksidente lamang umano ang pagkakapatay niya sa bata.

Paliwanag ng suspek, nagtatabas umano ito sa lugar nang biglang maramdaman niyang may tao sa kaniyang likuran.

Dahil dito, nagbato ito ng suntok sa kaniyang likuran nang hindi pa agad napansin na isang bata ang kaniyang natamaan.

Sa lakas ng pagkasuntok, tumilapon ang bata at tumama ang ulo sa bakod na kahoy.

Matapos ang insidente, inilibing nito ang biktima at tinakpan ng dahon ng saging dahil umano sa takot sa nagawa.

ADVERTISEMENT

Matapos na maiulat na nawawala ang bata, nagsagawa ng paghahanap ang pamilya at mga opisyal ng barangay hanggang sa natagpuan ang pinaglibingan dahil sa napansing bahagyang nakalitaw na paa ng biktima noong Martes.

Ayon sa pulisya, napag-alamang mayroong sakit na nervous breakdown ang suspek na itinuturo rin nito na dahilan kung bakit ito biglang nagbato ng suntok sa kaniyang likuran nang may maramdaman na tao rito.

Lumabas naman sa autopsy na hindi ginahasa ng suspek ang bata at ang nakitang pinsala sa biktima ay ang sugat sa ulo, leeg, at mukha nito.

Sinampahan na ng kasong homicide ang suspek.

—Ulat ni Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.