'Magnanakaw lang sana,' sabi ng sumaksak sa babae nang 22 beses

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Magnanakaw lang sana,' sabi ng sumaksak sa babae nang 22 beses

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumuko nitong madaling araw ng Huwebes sa pulisya ang lalaking responsable umano sa pagpatay noong nakaraang linggo sa isang babae sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, nasa impluwensiya ng droga ang suspek na si Andrew Baguasan nang looban nito ang bahay ng biktimang si Shanmaine Pestaño noong madaling araw ng Biyernes.

"Inamin niya na talagang noong pinasok niya is talagang, totally high siya sa droga," ani Cabatingan.

Hindi umano sinadya ng suspek na mapatay si Pestaño, 20, pero nagpambuno sila nang magising ang biktima, na nagtamo ng 22 saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko naman talaga balak gawin iyon. Kumbaga, balak ko lang naman sanang magnakaw doon. Kumbaga, nagising lang po talaga kasi kaya doon na lang po nagkagulo kami," ani Baguasan.

Bukod sa panloloob sa mga bahay, kilala din umanong gumagamit ng droga ang suspek.

Ilang gamit umano ng biktima ang naipalit ng suspek para sa droga.

Naging kaklase rin ng suspek ang ate ni Pestaño noong sila'y nasa elementarya pa.

Itinuturing nang case closed ang kaso dahil base sa mga testigo at pag-amin ng suspek, mag-isa lang niyang ginawa ang krimen.

Unang pinaghinalaan ng mga pulis na hindi bababa sa dalawa ang nanloob sa bahay at pumatay sa biktima.

Nahaharap si Baguasan sa kasong robbery with homicide.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.