Mga sugatang sundalo, dinalaw ng 'Ang Probinsyano' cast
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga sugatang sundalo, dinalaw ng 'Ang Probinsyano' cast
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2017 09:40 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2017 11:35 PM PHT

Bahagi na ng realidad sa buhay ng mga sundalo ang masugatan o minsan masawi sa ngalan ng serbisyo.

Kaya para mabigyan ng saya ang mga bayani ng bayan, isang parangal ang handog ng cast ng “Ang Probinsyano” para sa mga sugatang sundalo sa Armed Forces of the Philippines Medical Center.

Pinasaya ng cast ang mga nagpapagaling na sundalo na nais nang makabalik sa kanilang tungkulin.

Si Lt. Kent Fagyan na nagpapagaling ng tama sa braso, sabik na makita ang idol na bida sa serye na si Coco Martin na kahawig umano niya.

Tuwang-tuwa din si Sgt. Sandy Benitez ng Philippine Marines na makita ang crush na si Yassi Pressman habang nagpapagaling ng tama sa paa matapos matamaan ng shrapnel sa Mapandi.

Halos 200 sugatang sundalo ang patuloy na nagpapagaling mula sa mga sugat na natamo dala ng bakbakan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa AFP, parang gamot na rin sa mga sugatang kawal ang hinatid na saya ng cast ng “Ang Probinsyano”.

Anila, lalong tumatapang ang sundalo kapag nasusugatan. Sa kanilang muling pagbalik sa tungkulin, baon nila ang ngiti at inspirasyon sa pagprotekta sa sambayanang Pilipino.

--Ulat ni Edwin Sevidal, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT