Pagnanakaw sa bangko sa Tuguegarao, inside job? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagnanakaw sa bangko sa Tuguegarao, inside job?

Zhander Cayabyab,
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2018 09:07 PM PHT

Inside job ang pangunahing anggulong tinitingnan ng pulisya sa panloloob sa Metrobank Tuguegarao City Branch noong Martes ng gabi, kung saan P21.4 milyon ang nakuha ng mga suspek.

Ayon kay Chief Supt. Jose Mario Espino, regional director ng Police Regional Office 2, nakakuha ang mga imbestigador ng sapat na ebidensiya, kabilang ang CCTV footage, na magtuturong kasabwat ang mga guwardiyang sina Angelo Liban at Ace Mark Gunnacao.

Matatandaang pinasok ng 5 nagpanggap na pulis na nakasuot ng camouflage ang bangko para sa umano’y inspeksyon at walang pag-aalinlangang pinatuloy ng security personnel ang mga suspek.

Nakakulong na sina Liban at Gunnacao at sinampahan na ng kasong robbery with intimidation committed by band.
Nakakulong na sina Liban at Gunnacao at sinampahan na ng kasong robbery with intimidation committed by band.
ADVERTISEMENT
Samantala, ang limang holdaper ay pinaghahahanap pa sa ngayon.

Sa ginanap namang pulong ng joint Anti-Bank Robbery Coordinating Committee sa Cagayan, pinayuhan ni Espino ang mga may-ari ng bangko na magdagdag ng security measures at gumawa ng masusing background check sa mga kinukuhang security personnel.