Mga opisyal ng Calabarzon walang kasunduan para magpatupad ng ECQ- Remulla | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga opisyal ng Calabarzon walang kasunduan para magpatupad ng ECQ- Remulla
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2021 01:37 PM PHT
|
Updated Aug 04, 2021 06:12 PM PHT

CAVITE (UPDATE) – Hindi nakabuo ng consensus o kasunduan ang mga gobernador ng Calabarzon para isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang rehiyon, ayon sa gobernador ng probinsiya ng Cavite.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagpulong ang mga gobernador at kinatawan ng Department of the Interior and Local Government at Department of Health noong Lunes kaugnay ng restriksiyon sa mga lalawigan sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Remulla, kinuwestiyon sa pagpupulong ang kakayahan ng national government na suportahan ang mga lokal na pamahalaan sakaling isailalim din sa ECQ ang Calabarzon.

"Wala kaming consensus so far but I just talked to Usec. Densing and they will confer with IATF and DBM kung ano ang status ng finances ng national government kung kaya nilang i-sustain ang magkaroon ng ECQ dito sa Calabarzon," ani Remulla.

Isasailalim sa ECQ ang Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20, habang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions naman sa Cavite at Rizal hanggang Agosto 15, GCQ sa Batangas at Quezon hanggang Agosto 31, at Modified ECQ sa Laguna hanggang Agosto 15.

Sa Cavite, tutol si Remulla na isailalim ang lalawigan sa ECQ, pero tatalima naman umano siya kung ano man ang desisyon ng Interagency Task Force (IATF) on COVID-19 response.

"Ang mahirap dito, but I'm not in favor of, is stopping the production in our export zones. Kasi very critical sa economy namin iyan eh," ani Remulla.

"We are left with whatever IATF tells us. So, so far kami, GCQ with heightened restrictions pero ang hula ko, hula lang 'to ha, tingin ko, masasama kami sa ECQ," dagdag niya.

Ayon kay Remulla, mula noong nakaraang linggo ay nasa 400 hanggang 600 na ang mga arawang kaso sa Cavite at umaabot na rin sa 80 porsiyentong okupado ang ilang ospital sa lalawigan.

Kabilang sa mga may pinakamatataas na kaso ng COVID-19 sa Cavite ang Dasmariñas, Bacoor, Imus, General Trias, at Silang.

MGA HAKBANG SA ILANG BAYAN SA CAVITE
Hinigpitan ang pagbabantay sa Tahanang Yaman Homes sa Barangay Buenavista III sa General Trias City para matiyak ang stay-at-home policy ngayong nasa ilalim ito ng lockdown.

"Medyo sa kritikal na po kami kasi po sa dami po ng naging positive dito at medyo noon pong nakaraang linggo ay sunod-sunod 'yung namatay, mga senior citizen," ayon kay Barangay Captain Danilo Potante.

Ayon naman kay General Trias Mayor Antonio Ferrer, ramdam na sa mga pagamutan ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.

"Puno talaga. 'Yung hospital beds na dedicated for COVID patients, whether 'yung ICU saka 'yung regular ano nila, puno lahat. 'Pag may lumabas, admit kaagad," ani Ferrer.

Pinag-aaralan namang ilagay sa lockdown ang piling lugar sa bayan ng Silang.

Nagpapatuloy rin ang emergency preparation sa bayan tulad ng inventory ng mga ambulansiya at medical equipment, at technical preparations sakaling kailanganin ang clustering at zoning.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
enhanced community quarantine
Enhanced Community Quarantine Calabarzon
Calabarzon
Calabarzon COVID-19 updates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT