5-taong gulang na bata, ginahasa at pinatay umano ng kapitbahay

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5-taong gulang na bata, ginahasa at pinatay umano ng kapitbahay

Ernie Manio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 14, 2019 03:19 PM PHT

Clipboard

Kapitbahay na suspek, may diperensiya umano sa pag-iisip

Watch more in iWantv or TFC.tv

DASMARIÑAS, Cavite - Patay ang isang 5 taong gulang na batang babae matapos umanong gahasain at sakalin ng kapitbahay Lunes sa naturang bayan.

Masayahin, bibo, at mahilig sumayaw ang mga katangian ng 5 taong gulang na si “Bebe.” Ito rin ang mga katangiang hanggang sa video na lamang makikita ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

Pumanaw na ang kindergarten student matapos umanong gahasain at sakalin ng kanilang kapitbahay.

Dahil may diprensya sa pag-iisip, itinago sa pangalang ‘Nico’ ang suspek. Sa loob ng tinutuluyang bahay ng suspek sa Barangay Langkaan Dos sinasabing pinagsamantalahan ang biktima bandang alas-11 ng umaga ng Lunes.

ADVERTISEMENT

“Nakita ko siya naglalaro pa dyan. Tapos maya maya, wala na siya. Tinawagan ko asawa ko, akala ko sinama niya. Hindi raw. Pinauwi ko ang asawa ko,” sabi ng lola ng biktima.

Kaagad pinaghahanap ng pamilya si Bebe sa buong subdivision. Pinasok din ang mga bahay ng mga kapitbahay, kabilang ang tinutuluyan ni Nico.

“Hinanap ko dyan. Sa likod, sa ilalim ng kama. Tapos sabi ko sa kaniya, tayo ka. Nilalamig daw. Umalis na kami,” sabi ng lolo ng biktima.

Pero kinutuban ang lolo ng biktima at bumalik sa bahay ng suspek.

“Sabi ko tayo siya. Ayaw. Hinatak ko ang kumot. Nakita ko ang apo ko. Hubad. Pati yung lalaki hubad. Kaagad ko kinuha ang apo ko at dinala sa ospital pero dead on arrival na sabi ng doctor,” dagdag ng lolo ng bata.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang paratang pero depensa niya na may sakit siya sa pagiisip.

Sa kabila ng dipresya sa pag-iisip, nahaharap pa rin sa kasong rape at homicide ang suspek dahil kailangan pang mapatunayang hindi normal ang takbo ng kaniyang utak nang isagawa ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.