HULI SA CCTV: 'Army reservist' nanadyak, bumunot ng baril
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
HULI SA CCTV: 'Army reservist' nanadyak, bumunot ng baril
Miguel Dumaual,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2016 09:43 AM PHT

MANILA - Nakuhanan ng CCTV camera ang pananadyak at pagbunot ng baril ng isa umanong Army reservist habang kaaway ang sarili niyang pamangkin sa Tondo, Maynila.

Sa CCTV footage, makikita ang isang grupo na nag-iinuman sa Humabon Street noong Linggo nang dumating sakay ng motorsiklo ang isang lalaking naka-unipormeng militar.

Ilang sandali pa, tinadyakan ng umano'y Army reservist na si Rodrigo Balza ang kanyang pamangking si Roy Balza, na isang barangay tanod.

Bumunot pa ng baril si Rodrigo at tila pinagbabantaan ang pamangkin.
Bumunot pa ng baril si Rodrigo at tila pinagbabantaan ang pamangkin.
ADVERTISEMENT
Nagbasag naman ng bote si Roy, na aminadong nakainom.

Lumipas ang tatlong minuto, bumalik si Roy na tila naghahamon ng away pero naawat na sila ng mga residente at ilang opisyal ng barangay.

Inamin naman ni Roy na matagal na silang may hidwaan ng tiyuhin.
Pinag-aayos pa ngayon ng barangay ang magkamag-anak.

Pero desidido si Roy na ireklamo si Rodrigo sa pulisya.

"Hindi naman makatarungang tadyakan niya ako tapos bubunutan niya ako ng baril... Gusto ko siyang makulong kasi iyung nangyari sa akin, paano kung mangyari sa iba 'yun?" katwiran niya.

Balak namang higpitan ng barangay ang pagpapatupad ng city ordinance na nagbabawal ng pag-inom ng alak sa kalye.

Tumanggi nang magbigay ng panayam ang inirereklamo, pero nakatakda siyang humarap sa lupon ng barangay para makipag-ayos sa pamangkin.