Higit 100 barangay sa Pampanga lubog sa baha; 4 na bayan nasa state of calamity
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 100 barangay sa Pampanga lubog sa baha; 4 na bayan nasa state of calamity
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2021 12:14 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2021 12:40 PM PHT

Apat na bayan sa Pampanga ang nasa ilalim ngayon sa state of calamity dahil sa pagbaha bunsod ng masamang panahon.

Ayon sa Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kabilang dito ang mga bayan ng Masantol, Macabebe, Santo Tomas at San Simon.

Sa ilalim ng state of calamity, mas mapapabilis na magamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang pondo para tumugon sa kalamidad.

Ayon sa Pampanga PDRRMO, aabot sa 104 barangay sa buong lalawigan ang lubog sa baha.
Ayon sa Pampanga PDRRMO, aabot sa 104 barangay sa buong lalawigan ang lubog sa baha.
ADVERTISEMENT
Nasa 870 pamilya o 3,272 indibiduwal naman mula sa 10 bayan ang nananatili umano sa mga evacuation center.

Ilang kalsada rin ang hindi muna madaanan ng mga motorista, kasama ang bahagi ng San Simon-Baliwag Road sa San Simon, at Batasan Road sa Barangay Colgante, Apalit.

Sa San Simon, mismong ang municipal hall ay lubog sa baha. Lumipat muna sa ibang mga gusali ang mga nagtatrabaho roon para hindi maantala ang pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga residente.

"Ang ginawa namin noong sumobra na 'yong baha, almost hanggang tuhod na, nag-move out kami. Meron naman kasi kaming government center... 5 to 6 buildings na nakatayo dito, 'yong iba hindi naman occupied," ani San Simon acting mayor Leonora Wong.

Tiniyak din ni Wong na tuloy ang bakunahan kontra COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon sa PAGASA-Clark, wala namang sama ng panahong nakakaapekto sa lalawigan pero ang pag-ulan ay epekto ng southwest monsoon.

— Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT