Chop-chop na katawan ng retired engineer, natagpuan sa creek sa Bacoor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chop-chop na katawan ng retired engineer, natagpuan sa creek sa Bacoor

Karen De Guzman at Izzy Lee,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2023 10:27 AM PHT
|
Updated Aug 10, 2023 06:51 PM PHT

MAYNILA — Putol-putol na ang katawan ng 62-anyos na retired engineer nang matagpuan ito sa isang creek sa Bacoor City, Cavite, Miyerkoles ng umaga.

Isang buwan nang nawawala ang biktimang si Napoleon Fernandez, ayon sa kanyang kapatid., sabi ni Bacoor City Police Station chief PLtCol. Jesson Bombasi.

“Tumawag po siya noong August 7 at ini-report po sa amin na nawawala nga ‘yung kanyang kapatid na kahuli-huli niyang nakausap noong July 7 noong birthday niya,” sabi ni Bombasi.

Ayon kay Ervin Geronimo, executive officer ng Barangay Habay 1, nakatanggap sila ng tawag na humihingi ng tulong matapos makita ang bangkay sa lugar noong Miyerkoles.

"Humingi sila ng assistance dito sa barangay namin para i-search na meron ngang tinapon na chop-chop doon," ayon kay Ervin Geronimo, Executive Officer ng Barangay Habay 1.

Apat na magkakahiwalay na sako ang kanilang natagpuan at doon nakita ang mga bahagi ng katawan ng biktima.

Agad pinuntahan ng mga pulis at ng taga-barangay ang bahay ng biktima at doon naabutan ang dalawang taon nang katiwala nito na sinabing umalis ang kanyang amo.

Napansin ng mga pulis na bitbit ng katiwala ang isang bag at nang buksan ito, nakita ang halos P5 milyong pera, mga alahas, cellphone, wallet at ilang ID na pag-aari ng biktima.

Inaresto ang katiwala at unang sinampahan ng mga reklamong direct assault at qualified theft.
Inaresto ang katiwala at unang sinampahan ng mga reklamong direct assault at qualified theft.
ADVERTISEMENT
Pero inamin na rin ng katiwala ang pagpatay sa biktima noong July 7 na kaarawan pa ng biktima kung saan nag-inuman sila sa bahay ng retired engineer.

Depensa ng suspek, hinamon umano siya ng kanyang amo para patayin ito kaya niya nagawa ang krimen.

“Chinallenge niya lang po talaga ako na patayin siya. Na-depressed na po siya kasi iniwan na po siya ng mga pamangkin niya. Ako na lang nagbabantay sa kanya, parang ibibigay na sa 'kin ‘yung mga ari-arian niya,” ayon sa suspek.

Nakuha ang isang kutsilyo at isang samurai sa bahay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa kanya.

Sinusubukan nang kunan ng pahayag ang kaanak ng biktima.
Sinusubukan nang kunan ng pahayag ang kaanak ng biktima.
ADVERTISEMENT
Iniimbestigahan na rin ng mga pulis kung may kasabwat ang suspek at pinaghahanap din ang ilang bahagi pa ng katawan ng biktima.

Bukod sa mga reklamong direct assault at qualified theft, nakatakda rin itong i-inquest ngayong araw para sa kasong robbery with homicide.