Climate change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Climate change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa?
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2019 06:56 PM PHT

MAYNILA — Naniniwala ang isang eksperto na ang pagbabago sa klima ay nakaapekto sa pagtaas ng kaso ng mga nagkaka-dengue sa bansa ngayong taon.

Tingin ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, nagkaroon ng paglobo sa dengue cases dahil hindi na maituturing na "seasonal" ang naturang sakit dahil sa climate change.

"Wala na tayong seasonal episode ng increase ng dengue. It's usually year-round... [Dahil sa] climate change, nabubulabog ang mosquito. They go from one place to another and they always look at an area that is conducive to breed," paliwanag ni Solante, pinuno ng San Lazaro Hospital-Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department.

Nakakaapekto rin umano ang malaking populasyon sa lugar na maraming kaso ng dengue.
Nakakaapekto rin umano ang malaking populasyon sa lugar na maraming kaso ng dengue.
ADVERTISEMENT
Ito rin ang nakikitang dahilan sa Barangay Payatas, na may pinakamataas na kaso ng dengue sa Quezon City ngayong taon.

"Siguro dahil napakalaki ng Payatas. We're about 300,000 na po ngayon... Isa 'yun sa mga factors kaya napakalaki ng turnout ng patients," ani Florante Clarita, barangay administrator ng Payatas.

Ayon sa mga eksperto, hindi lang sa mga estero at kanal nangingitlog ang lamok dahil kahit sa maliliit na bottle caps ay puwedeng maipon ang tubig at pamugaran ng lamok.

Sa huling tala ng Department of Health, pumalo na sa 167,606 ang dengue cases mula Enero-Hulyo 27, 2019, ang pinakamataas sa loob ng 5 taon.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT