Ilang taga-Laguna dumaraing para sa ECQ ayuda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taga-Laguna dumaraing para sa ECQ ayuda
Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Aug 12, 2021 01:42 PM PHT
|
Updated Aug 12, 2021 06:59 PM PHT

(UPDATE) Halos isang linggo mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Laguna, naghihintay pa rin ang mga residente na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Sa Barangay Parian, Calamba City, hiniling ng mga tricycle driver na makuha na nila ang ayuda dahil humina umano ang kanilang kita.

Kung dati ay P700 anila ang pinakamababang kita, ngayo'y suwerte na raw kung maka-P200 sila kada araw, lalo't isang pasahero lang ang pinapayagan sa bawat pasada.

"Sana po ay ayusin ng ating gobyerno. Malaking bagay po sa pamilya namin 'yon (ayuda)," sabi ng tricycle driver na si Gerry Quilites.

"Sa sobrang hirap na aming dinanas, ito na lang po ang aming ulam, sabaw," ani Rosauro Formales, isa ring tricycle driver.

Ayuda rin ang hinihintay ng single mom na si Rowena Santos, na hindi aniya makapagtrabaho dahil may inaalagang ama na senior citizen.

"Bakit wala pa ring ayuda up to now na galing sa national government?" tanong ni Santos, na taga-Calamba rin.

"Kailangan po makarating ang ayuda sa hirap ng buhay ngayon," dagdag niya.

Ayon naman kay Calamba City Mayor Timmy Chipeco, hanggang ngayo'y hinihintay pa rin nila ang pondo mula sa national government.

"Huwag naman ho kayo magmadali. 'Yan naman po ay darating. Ang importante tama po ang pagbibigay natin," ani Chipeco.

Habang wala pa ang ECQ ayuda, magsisimula nang mamahagi sa Biyernes ang Calamba City government ng mga food pack sa mga residente, ani Chipeco.

Inihayag ngayong Huwebes ng Department of Budget and Management na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.78 bilyong pondo para sa ECQ ayuda ng mga taga-Laguna, Bataan at Metro Manila.

Mula dito, nasa P2.7 bilyon ang nakalaan para sa Laguna.

Inilagay sa ECQ ang Laguna simula Agosto 6 dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa harap na rin ng banta ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus.

— May ulat ni Jamaine Punzalan, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regional news
Laguna
Calamba City
enhanced community quarantine
ayuda
Covid-19
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT