21 babae nasagip ng NBI mula sa prostitusyon sa Nueva Vizcaya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

21 babae nasagip ng NBI mula sa prostitusyon sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2022 07:18 PM PHT

Clipboard

Dalawapu’t isang babae ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa prostitusyon sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa NBI, nagsimulang bantayan ng kanilang operatiba ang Sunrise Videoke Bar sa Barangay Santa Rosa nang makatanggap sila ng impormasyon noong Agosto 2.

Nagtatrabaho umano bilang guest relations officer ang mga babae kung saan ay nailalabas sila ng mga kustomer para makipagtalik kapalit ng P1,000 hanggang P3,000.

Nang makumpirma ang impormasyon ay nagsagawa ng entrapment operation ang NBI kasama ang Inter-Agency Council Against Trafficking noong Agosto 8 na mismong “big night” ng videoke bar.

ADVERTISEMENT

Nagpanggap na kustomer ang dalawang NBI agent kung saan ay nagbayad sila ng P3,000 bar fine kada isang babae na ilalabas at kasunod nito ang pagsalakay ng operatiba.

Naaresto ang manager at cashier ng videoke bar habang nagkataong wala doon ang sinasabing may-ari nito. Nasampahan na sila ng reklamong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Ipinasakamay ang mga nasagip na babae sa DSWD na siyang mag-aasikaso ng kanilang pag-uwi.

- ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.