Distance learning, malaking hamon sa OFW parents sa Gitnang Silangan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Distance learning, malaking hamon sa OFW parents sa Gitnang Silangan

Milanie Sanchez Regalado | TFC News UAE

Clipboard

DUBAI - Back to school na muli ang karamihan ng mga kabataan sa Gitnang Silangan. Sa ikalawang taon ng pandemya hindi pa rin normal ang sitwasyon ng kanilang pag-aaral.

Tulad sa ibang bansa, distance learning o online learning ang gamit na paraan ngayon para maturuan ang mga bata. Para sa mga magulang na OFW hindi ito madali. Sa pagbubukas ng klase ngayong ikatlong linggo ng Agosto, malaking adjustment ang kailangang gawin hindi lang ng mga bata pero pati na rin ng kanilang mga magulang.

Mrs. Punzalan at kanyang anak

“Hindi sya classroom setting, walang sense of authority, parang comfortable sila sa amin, kaya mas hindi nakikinig,” sabi ni Ana Punzalan, OFW mom.

“For example nagka-problema sa sound so lahat sila damay dahil maririnig nila yung isyu ng classmate nila,” Rochell Pahati, OFW mom.

ADVERTISEMENT

Pahati Family

Kaya dinadaan nalang sa biro ni Mommy Rochell ang hamon at stress kapag may mga mahihirap na aralin kung saan kailangan nilang gabayan ang mga anak.

“Example for Algebra, during highschool hinahanap na namin si X, hanggang ngayon ba naman si X and Y hahanapin mo pa,” sabi ni Pahati.

May payo naman ang guro na si Jona talusan, para maibsan ang stress dulot ng distance learning.

“Let’s say may mga materials kayong kailangan i-submit sa school pahinga muna kayo or talk to your kids,” payo ni Talusan.

Mrs Talusan at mga anak

Dagdag ni teacher Jona, magandang may motibasyon din ang mga bata sa pag-aaral.

“I’m sure schooling is important, but what’s more important is your relationship with your child,” pahabol ni Talusan.

Para sa mga nagbabagang balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFCNews

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.