Gurong nagtutulak umano ng shabu, tiklo sa Cagayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gurong nagtutulak umano ng shabu, tiklo sa Cagayan
Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Aug 23, 2018 12:43 AM PHT

SOLANA, Cagayan - Arestado ang isang guro sa buy-bust operation sa Solana, Cagayan Miyerkoles ng umaga.

Nakuha mula kay Emerlito Addun ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

Papasok na sa paaralan ang 49-anyos na guro nang bilhan ng poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu.

Ayon kay Senior Insp. Renz Baloran ng Solana Police Station, kabilang si Addun sa mga high value target (HVT) o mga opisyal at empleyado ng gobyerno na nasasangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

“Nasa list po siya as HVT Level 1 dahil public teacher siya eh. Katunayan ay nag-surrender 'yan [sa Oplan Tokhang] noong 2016,” ani Baloran.

Makailang beses din sinabihan at sinulatan si Addun para sumailalim sa community-based recovery and wellness program, pero hindi umano ito tumutugon.

Hanggang malaman sa pagmamanman ng awtoridad ang patuloy pa rin nitong iligal na gawain kung saan ang mga parokyano ay kaniyang mga kapitbahay at tricycle driver.

“Iba-iba kasi nag-test buy. Merong PDEA, tapos may Regional Intelligence Office saka kami. Positive talaga kaya nag-conduct ng operation," ani Baloran.

Sinampahan na ang guro ng reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.