Galunggong sa QC, Navotas negatibo sa formalin: BFAR | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Galunggong sa QC, Navotas negatibo sa formalin: BFAR

Zandro Ochona,
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2018 05:32 PM PHT

MAYNILA- Negatibo sa nakalalasong kemikal na formalin ang mga isdang galunggong (round scad) na sinuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Miyerkoles.

Lumabas nitong Biyernes ang resulta ng pagsusuri ng mga galunggong mula sa Balintawak Market, Cubao Farmer's Market, at Navotas Fishport.

Nauna nang sinabi ng BFAR na susuriin nito ang mga binebentang galunggong sa mga pamilihan matapos lumutang ang ilang balita na mayroong mga imported na galunggong na nilagyan ng formalin.

Bagama't negatibo sa formalin, nakitaan naman ng mababang lebel ng formaldehyde ang mga sinuring isda, ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona.

Ang formaldehyde ay isang kemikal na nabubuo kapag namamatay ang mga isda.

Siniguro din ni Gongona na patuloy ang pagbabantay ng BFAR upang masiguradong lahat ng isdang binebenta sa mga pamilihan ay ligtas kainin.