Paano naitawid ng UK-based Pinoy nurses ang panganganak ng OFW sa eroplano?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano naitawid ng UK-based Pinoy nurses ang panganganak ng OFW sa eroplano?
Pyx Marfa | TFC News United Kingdom
Published Aug 24, 2022 02:29 PM PHT
|
Updated Aug 24, 2022 04:44 PM PHT

LONDON - Pauwi ng Pilipinas nitong August 2 sina Sheryl at Ruel Pascua. Hindi inakala ng mag-asawang UK-based medical workers na magiging instant heroes sila nang kinailangan ang kanilang serbisyo habang nasa ere ang sinakyang eroplano.

Ito ang kanilang connecting flight mula UK, may stopover sa Kuwait patungong Pilipinas. Kabilang sa mga pasahero ang mag-asawang nurse ng NGHC (Nightingale group) Trentham, Stoke-on-Trent, Staffordshire, England.

Halos 20 minuto matapos mag-take-off ang kanilang flight, narinig ni Sheryl ang panawagang saklolo ng cabin crew.

Nangangailangan daw ng emergency doctor o nurse para matulungan ang isang pasahero. Sumasakit pala ang tiyan at tila manganganak na noon si Sheryl Frigillana, isang OFW mom na noo'y anim na buwang buntis.

Sa Kuwait sumakay si Frigillana nang mag-stopover doon ang eroplanong lulan din ang mag-asawang nurse.

Kuwento ni Sheryl: “Hindi na ako nag-hesitate, tumayo agad ako, iniwan ko ang kids ko. ‘Yung husband ko hindi ko alam nandun na rin pala siya sa likod ko. She’s only 6 months pregnant. Sabi niya sa akin masakit daw ang tiyan niya. So hinilot ko tapos nag-stop siya. Sabi ko parang contractions na. Only to find out progressive na ang kanyang contractions. Inorasan ko siya and it is very regular."

Kaya naghanda ang mag-asawa kung manganganak agad si Frigillana.

“Nagset-up na ang husband ko at ang cabin crew ng tent made up of blankets kasi syempre para may privacy and dignity yung mother,” sabi ni Sheryl.

Napansin ni Sheryl na “crowning” na o nakalabas na ang ulo ng sanggol.
Napansin ni Sheryl na “crowning” na o nakalabas na ang ulo ng sanggol.
ADVERTISEMENT
“I asked for sterile gloves kaya lang wala din onboard. So, ang nangyari nag-handwash na lang ako. When I opened the front of the mother, nakita ko na ang hair ng baby,” kuwento ni Sheryl.

Napasigaw daw siya at nakaramdam ng kaba dahil hindi niya akalain na ganun kabilis ang mga pangyayari.

Nasa likod naman niya ang kanyang mister na si Ruel at isa pang UK-based Pinoy nurse na si Carlos Bungan.

Makalipas lang ng ilang minuto, naisilang ni Frigillana ang kanyang sanggol na lalaki. Dagdag pa ni Sheryl: “yung size ng baby is the same as the palm of my husband, sobrang liit."

Ayon sa mister niyang si Ruel: “It was a thrilling experience, yet humbling kasi first time namin maka-encounter ng ganyang scenario. Yung presence naming tatlong nurses, consolidated ideas, the pressure was somehow naging light sa amin to make decisions kasi nag-uusap kami kung ano ba ang pwede at shini-share namin ito sa cabin crew at the same time sa mismong captain himself.”
Dahil nasa ere, nag-improvise ang tatlong Pinoy nurses ng mga kagamitan sa eroplano. Sinikap nilang maipanganak ang sanggol at mapabuti ang sitwasyon ng mag-ina. Tumulong din sa tatlong Pinoy nurse ang off-duty cabin crew na may background sa nursing na si Justine Pinat na taga-Maynila at ang chief ng cabin crew ng Kuwait Airways na nakilala nilang si Ranil.

“Yung feeling ba na out of the comfort of medical facilities, you need to improvise. There are a lot of things to learn from there. Hindi lang sa emergency situation na ganon at the same time sa crew at staff ng airplane. Supportive rin ang off-duty cabin crew nila na nurse rin ang background na si Justine, just to acknowledge her as well, kasi she is always there to assist us,” kuwento ni Ruel.

Panatag at mabilis na pag-iisip at desisyon ang ginawa ng Pinoy nurses para maisalba ang buhay ng mag-ina.

“Si husband ko at si Kuya Carlos, ni-wrap nila ng maraming blanket si baby kasi obviously magha-hypothermia ang baby kasi skin and bone lang. Nag-ask sila ng bladder bag, nilagyan nila ng hot water to keep the baby warm,” kuwento ni Sheryl.

Umabot din sa pagkakataon na umiyak ang sanggol dahil sa gutom kaya kinailangan nilang magtanong kung sino ang may baby milk formula.

Buti na lang may isang pasahero ng eroplano na may baby milk formula, kaya nakapagtimpla sila ng gatas at naipainom sa sanggol gamit ang isang sterilized syringe.

Ang nanay naman ng sanggol ay kinailangang ilipat ng lugar dahil bumaba ang kanyang blood pressure. Maselang sitwasyon ito para sa isang kapapanganak pa lang.

Kinailangan nilang ilipat sa sahig ang nanay ng sanggol para maitaas ang paa nito at dahil doon ay naging maayos na ang kanyang blood pressure.

Dagdag ni Sheryl: “sabi ng husband ko let's do a "blanket wrap" so dito mo makikita ang bayanihan ng mga Pilipino, where you can see the unity and teamwork of the Filipinos. Saludo kami sa mga Pilipino na tumulong sa amin.”

Plano sana ng mga piloto na mag-emergency landing pero nasa Iraqi airspace sila noong mga panahong iyon at alanganing mag-emergency landing.

Sa India raw ang pinakamalapit na lugar kung saan pwedeng lumapag. Pero dahil bumuti na ang kalagayan ng mag-ina, nagdesisyon ang mga piloto na ituloy na ang flight patungong Pilipinas. Pagkalapag sa NAIA, natulungan ng mga kinauukulan ng paliparan ang mag-ina.

At kahit nagbabakasyon sa Davao City ang pamilya Pascua, may komunikasyon pa rin sila kay Frigillana na taga-La Union.

Kwento sa kanila ni Frigillana, bagamat nasa incubator pa ang kanyang sanggol, hindi na raw kailangan i-ventilator.

Para sa mag-asawang Pascua, sa panahon ng krisis hindi maaring ipagkait ang tulong lalo na at ito ang kanilang training bilang medical workers.

“When you serve the people, you are serving God. Kung ganyan ang mind perception mo and the will of your heart, you will do everything and give your best to serve the people kahit walang in return na ibibigay,” sabi ni Sheryl.

Para sa mga nagbababagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT