Ilang paaralan sa Quezon City, binaha ng Bagyong Florita | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang paaralan sa Quezon City, binaha ng Bagyong Florita
Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Aug 25, 2022 08:05 PM PHT

MANILA — Gumawa ng sariling flood meter ang Barangay Masambong at Masambong Elementary School sa Quezon City na nakaranas ulit ng pagbaha nitong linggong ito bunsod ng mga pag-ulang dulot ng Bagyong Florita.

May color coding ito para malaman kung mataas at papasok na sa loob ng eskwelahan ang baha.

Nitong Martes, nakayapak na ang mga pulis na bantay sa Masambong Elementary School dahil sa pagbaha. Umabot hanggang gate ng eskwelahan tubig.

Ayon sa principal ng paaralan na si Eleanor Flores, mas bumaba na ito kumpara sa nakaraang buwan kung saan hanggang baywang ang taas ng tubig at nabasa ang kanilang mga module bago pa magsimula ang pasukan.

Tinaasan na umano kang kalsada ng barangay kaya nabawasan na ang pagbaha sa lugar. Pero abot pa rin hanggang tuhod ng mga bata kapag nagkaroon ng baha.

Dagdag ni Flores, makatutulong kung maaga ang deklarasyon ng walang pasok dahil may mga estudyanteng dumarating nang maaga sa paaralan, lalo na iyong mga nasa afternoon shift.

Pasado alas-12 na ng tanghali nitong Martes nag-anunsyo ang lokal ng pamahalaan ng Quezon City hinggil sa suspensyon ng klase.

Sa gitna ng pagkakaantala ng pasok, isa sa mga naisip ng eskwelahan ay ang pagbibigay na lang ng mga assignment in advance sa pamamagitan ng kanilang group chat.

Aminado si Flores na nahihirapan din siya dahil hindi sila puwedeng magdeklara ng walang pasok hangga't walang anunsyo mula sa lokal na pamahalaan.

Bukod sa Masambong Elementary School, kalbaryo rin para sa mga estudyante ng mga katabing Masambong High School at Sergio Osmeña Sr. High School ang pagbaha sa kanilang mga paaralan kapag tuloy-tuloy ang ulan.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
Masambong Elementary School
Quezon City
ulan
Florita
Barangay Masambong
Masambong
Masambong Quezon City
flood meter
baha
flood
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT