Bayan sa Sorsogon inaatake ng mga langaw; mga manukan sinisisi
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bayan sa Sorsogon inaatake ng mga langaw; mga manukan sinisisi
ABS-CBN News
Published Aug 29, 2019 06:59 PM PHT
|
Updated Aug 29, 2019 07:38 PM PHT

Pumalag ang mga residente sa bayan ng Castilla, Sorsogon sa pagdagsa ng langaw sa kanilang lugar.

Sinisisi ito ng mga residente sa mga manukan sa lugar.

Kumpol-kumpol ang mga langaw sa labas ng bahay ni Rommel Alegre, dahilan para maglagay sila ng kulambo sa sala.

Iniiwasan kasi nilang dapuan ng langaw ang natutulog na anak.
Iniiwasan kasi nilang dapuan ng langaw ang natutulog na anak.
ADVERTISEMENT
"Ang epekto po nito sa amin 'pag kakain kami, 'pag magluluto laging ang daming langaw, dami talaga," ani Alegre.

Todo-bantay naman si Antonio Arena sa kaniyang mga luto para hindi madapuan ng langaw.

Hinala rin ni Arena na sa dami ng langaw nagbunga ang lagnat ng dalawa niyang apo.

Binisita na rin ni Castilla Mayor Bong Mendoza ang mga bahay na apektado ng langaw, maging ang ilang poultry farm.

Ipapainspeksiyon din ni Mendoza ang mga poultry farm para mapigil pa ang pagdami ng langaw sa komunidad.

"In case mapatunayan natin na sila 'yung source nito gagawa kami ng aksiyon hanggang sa maipasara namin, ipapasara namin, 'yan ang kailangan namin maproteksiyonan ang mga constituents namin dito," ani Mendoza.

Plano ring kausapin ng lokal na pamahalaan ang katabing bayan na may mga poultry farm para malaman kung nakakadagdag sa pagdami ng langaw ang mga ito.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT