SPED student nagtatahi ng face masks para makatulong sa pamilya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SPED student nagtatahi ng face masks para makatulong sa pamilya

ABS-CBN News
Published Aug 29, 2021 11:59 AM PHT
|
Updated Aug 29, 2021 06:36 PM PHT

Kahanga-hanga ang ilang kabataang Pinoy dahil sa ipinamalas nilang husay sa sining at siyensiya pati na rin sa kanilang pagsusumikap para makatulong sa kanilang pamilya.

Sa Legazpi City, pagtatahi ng face mask ang pinagkakaabalahang gawin ng 21 anyos na si Jones Bajamundi ng Barangay Bonga.

Ayon kay Shirley Armero, Nobyembre noong nakaraang taon pa nang magsimula sa pagtrabaho sa kanilang shop si Jones para makatulong sa pamilya nito.

Pipi at bingi si Jones pero marunong manahi matapos turuan sa kanilang special education school.
Pipi at bingi si Jones pero marunong manahi matapos turuan sa kanilang special education school.
ADVERTISEMENT
"Magaan sa loob na nakakatulong ka lalo na sa ganyan na may kapansanan," ani Armero.

Libreng ipinamimigay ng pamilya Armero sa mga estudyante sa kanilang barangay ang mga face mask na tinatahi ni Jones.

Hindi mapigilang maiyak ng ina na si Violeta Bajamundi sa pagpupursigi ng anak sa kabila ng kapansanan, lalo't wala ring permanenteng trabaho ang kanilang padre de pamilya.

Dalawa pa sa 7 anak ni Violeta ang pipi at bingi tulad ni Jones.

"Masaya po na may nakakaintindi sa kanya kahit may kapansanan. Hindi ko po inaasahan na may kukuha sa kanya sa trabaho," sabi ng ina.

Kahit nagtatrabaho, binibigyang pansin pa rin ni Jones ang pag-aaral sa gabi.

Umaasa naman ang pamilya Bajamundi na mas marami pang oportunidad ang magbubukas para sa katulad ni Jones na pursigido pa ring makapaghanapbuhay sa kabila ng kapansanan.

Sa Bangued, Abra, ang binatilyong si Jhentrix Castillo ay nakagawa ng imbensyong nakapagsisindi ng ilaw kahit hindi gumagamit ng koneksiyon o wire.

Ayon sa 17 anyos na estudyante, gamit niya ang ilang recyclable materials gaya ng jar na nilagyan ng tubig na may asin, pako, at aluminum foil para sa kaniyang capacitor.

Ang coil kung saan lumalabas ang mahinang kuryente ay mula sa sirang transformer na nakita niya umano sa junkshop.
Ang coil kung saan lumalabas ang mahinang kuryente ay mula sa sirang transformer na nakita niya umano sa junkshop.
ADVERTISEMENT
Nagsisilbi naman umanong power source ang lumang laptop charger.

Balak ni Castillo na gumawa ng mas malaking bersyon ng kaniyang imbensiyon kapag nakakuha ng sapat na kagamitan.

Naimbento na rin niya ang scooter na pinapaandar ng grass cutter, at isang device na gawa sa steel plate na kayang gawing flammable gas ang tubig.

Sa Roxas City, Capiz, viral sa social media ang gawa ng 18 taong gulang na si John Cyril Dojaylo na hyperrealism portrait ng isang lola.

Ayon kay Dojaylo, inabot siya ng 1 buwan sa pagpipinta ng kaniyang masterpiece na alay niya sa kaniyang lolang si Marita Aguihap, 64.

Gustong mapasaya ni Dojaylo ang kaniyang lola, na siyang nag-aruga sa kaniya mula pagkabata kaya niregaluhan niya ng painting.

— Ulat ni Karren Canon
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT