7 tambay na 'nag-udyok' sa pagpaslang sa 14 anyos, pananagutin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 tambay na 'nag-udyok' sa pagpaslang sa 14 anyos, pananagutin
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2018 04:34 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2018 08:41 PM PHT

Inihanda na ng Caloocan police ang pagsampa ng kaso laban sa pitong lalaking nakuhanan ng CCTV sa Barangay 144 na nanood lang at umano'y nag-udyok pa sa nangyaring pagpatay sa isang 14 anyos na lalaki.

Ayon kay Chief Inspector Enrique Torres ng Caloocan police, nagtungo na sa kanilang tanggapan ang pamilya ng biktima dala ang mga pangalan ng mga lalaki.

Ano mang oras umano ay maaari nang sampahan ng kasong murder ang pito na sinasabing nag-udyok sa suspek na walang habas hambalusin ang biktima noong Biyernes gamit ng dos-por-dos.

Ayon naman sa pamilya ng suspek, handa silang makipagtulungan sa mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso at isusuko ang binatilyong suspek sa oras na makita nila ito.

Nilinaw din ng pamilya ng suspek na 14 anyos din ang edad nito, taliwas sa naunang sinabi ng mga awtoridad na 15 anyos.

Nakuhanan ng CCTV ang ilang beses na pagpalo ng suspek sa ulo at katawan ng biktima kahit bumagsak na ito habang pinanonood lang ng mga tambay.

Agad tumakas ang suspek at umalis ang mga tambay sa lugar. Ilang babae lang ang tumulong sa nasawing binatilyo, base sa kuha ng CCTV.

Simpleng alitan sa pagitan ng mga binatilyo ang ugat ng krimen, ayon sa kagawad ng barangay. -- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News