Mangingisdang nawala nang 3 araw, nasagip sa Samal Island
ADVERTISEMENT

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2023 06:15 PM PHT

Emosyonal na sinalubong ng ginang ang kanyang asawang si Arnel Torrejano, mangingisdang nawala nang 3 araw sa Island Garden City of Samal (Igacos), Davao del Norte nitong Huwebes.

Ayon sa Coast Guard Substation Tagbaobo, pumalaot para mangisda si Torrejano sa Brgy. Pangubatan sa Samal Island noong Linggo, Agosto 27.

Pero dahil sa lakas ng alon at pagkasira na rin ng makina ng kanyang bangka, naanod nang halos 6 nautical miles mula sa Brgy. Pangubatan ang bangka ni Torrejano.

Ayon sa Coast Guard, 3 araw na hindi kumain si Torrejano, na nanatili sa lumubog na bangka nito.
Ayon sa Coast Guard, 3 araw na hindi kumain si Torrejano, na nanatili sa lumubog na bangka nito.
ADVERTISEMENT
Naglabas ng notice to mariners ang Coast Guard para hanapin si Torrejano at naglunsad din ng coastal patrol.

Nadaanan at natagpuan ng isang mangingisda si Torrejano, na siyang nagligtas at naghatid sa kanya sa Samal Island.

Agad na binigyan ng pagkain, paunang lunas, at tulong pinansyal ang nasagip na mangingisda, na nasa mabuti nang kalagayan.

— Hernel Tocmo
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT