Hiker nawala sa Tanay, Rizal

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Hiker nawala sa Tanay, Rizal

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2016 11:14 PM PHT

Clipboard

File photo by Aldrin Mirasol

Pinaghahanap pa rin ang estudyante ng Mapua Institute of Technology na si Erick Barticillo na sinasabing nalunod matapos mag swimming sa Tinipak River sa Sa Barangay Daraitan, Tanay Rizal.

Batay sa report ng Tanay Police, magkakasama ang biktima at ang kaklase nitong Architecture student na si JM Dula at ang tour guide na si Rodney Paul Quiros at naghiking ang mga ito sa Daraitan Mountain.

Subalit pagsapit sa Tinipak river, ipinasya umano ng biktima na maligo nang bigla na lamang lumakas ang agos ng tubig.

Tinangka pang sagipin ng dalawa ang biktima subalit tuluyan na itong tinangay ng agos at hindi na nila matagpuan.

ADVERTISEMENT

Patuloy pa ngayon ang ginagawang rescue operation ng mga tauhan ng 80th Infantry Batallion ng Philippine Army at ng iba pang mga mangingisda at mga rescue group sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.