Manila LGU, naglabas ng show cause order laban sa diagnostic center na pinagmulan ng nagkalat na test kits

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila LGU, naglabas ng show cause order laban sa diagnostic center na pinagmulan ng nagkalat na test kits

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pinagpapaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Manila ang isang diagnostics center sa Quiapo, Maynila kaugnay ng mali umanong pagtatapon ng rapid test kits, na nakunang nagkalat sa isang kalsada sa Sampaloc.

Ayon sa Manila LGU, lubhang mapanganib ito sa kalugusan at taliwas sa tamang pagtatapon ng hazardous waste.

Pinagpapaliwanag din ang laboratoryo sa umano'y mishandling at littering ng rapid test kits, na tinuturing na biohazard at infectious waste.

"Nakuha ng mga pulis ng Sampaloc 'yung mismong mangangalakal at ininterview siya at ito nga ang ibinigay na lugar kung saan nakuha ang hazardous waste," paliwanag ni Levi Facundo ng Bureau of Permits ng Maynila.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Facundo, inamin naman ng diagnostic center na mayroon silang pagkukulang at itatama umano nila ito.

Ayon pa kay Facundo, hindi muna ito papayagang mag-operate hangga't hindi nakapapasa sa inspeksyon ng sanitation division ng lungsod.

Binigyan ng tatlong araw ang laboratoryo upang tumugon sa show cause order.

Pinuntahan ng ABS CBN News ang diagnostics center upang makunan ng pahayag, pero ayon sa security, umuwi na ang mga empleyado rito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.