Mag-asawang umano'y lider ng NPA, arestado sa Cagayan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawang umano'y lider ng NPA, arestado sa Cagayan
Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Sep 03, 2018 10:35 PM PHT

TUGUEGARAO CITY - Arestado ang mag-asawang umano’y lider ng New People’s Army (NPA) nitong Linggo ng madaling-araw sa sa bayan ng Calayan, Cagayan.

Hindi na umano nakapalag nang arestuhin si Edison Erese at kaniyang misis na si Divina sa kanilang tinutuluyang bahay sa Sitio Nagtapulan, Barangay Naguillan.

Apat na araw din na minanmanan ng mga pulis at sundalo ang mag-asawang Erese na may warrant of arrest dahil sa patong-patong na kaso kabilang ang illegal possession of explosives, arson, at attempted murder.

“Isolated yung lugar at medyo bulubundukin yung pinuntahan nila. We were there for almost four days. May tatlo kasing target area, yun inisa-isa because we have to be very cautious para walang maaksidente o anuman on the government forces,” ani police Senior Superintendent Ronald Gayo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Management Group Region 2.

Si Edison na kilala sa mga alyas na "Jingjing," "Ronnel" at "Elmer" ay kasalukuyan umanong staff member ng Regional Operational Command at military staff ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ng NPA.

“Si Edison Erese, siya ang pumalit kay Tesorio. Siya ngayon ang pinaka-hepe ng West Committee Front ng Northern Front Committee ng KRCV,” ayon kay Major General Perfecto Rimando Jr., commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army.

Ang kaniyang misis na si Divina ay dating medical officer umano ng Danilo Ben Command West Committee.

“Pag ikaw ay nasa medical, medyo mataas na ang katungkulan mo. Kasi sila ang naghahanda bago nila i-execute ang isang tactical offensive against our government forces,” dagdag ni Rimando.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mula Surigao, kung saan sila pansamantalang nalipat bilang bahagi raw ng rigodon ng NPA, ay bumalik ng Cagayan ang mag-asawa noong Mayo.

Naging puspusan ang pag-monitor sa mga suspek upang maisilbi ang mga warrant of arrest para sa 20 kasong kinakaharap nila.

“Sa amin sa PNP noong 2011 ay sila po ang isa sa mga nag-ambush diyan po sa Rizal kung saan meron po kaming killed-in-action at wounded-in-action a na mga pulis natin,” sabi ni Chief Superintendent Jose Mario Espino na regional director ng Cagayan Valley Police.

Tumanggi ang mag-asawang Erese na magpaunlak ng panayam. Patuloy ding kinukumpirma sa NPA, partikular sa Reynaldo Piñon Command, ang sinasabing kaugnayan ng mag-asawa sa grupo.

Sinampahan din ang mag-asawa ng panibagong kaso matapos silang makumpiskahan umano ng dalawang baril at granada.