3 'magnanakaw' sa bus nahuli ng pulis na pasahero

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 'magnanakaw' sa bus nahuli ng pulis na pasahero

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 04, 2018 08:19 AM PHT

Clipboard

MANILA - Inaresto ang 3 hinihinalang miyembro ng "salisi gang" makaraang magnakaw umano sa isang pampasaherong bus sa Mandaluyong, Lunes ng gabi.

Kuwento ng biktimang si "Beth," tinangkang nakawin ng mga katabing suspek ang kaniyang cellphone sa gitna ng matinding trapik sa EDSA.

Tiyempo namang nasa likod ng biktima ang off-duty na pulis na si SPO1 James Bagay.

"Buti na lang nandoon si SPO1 Bagay, kasabay ko mismo sa bus... Noong mangyari 'yung scenario na 'yun, iyung action between that ay mabilis lang," ani Beth.

ADVERTISEMENT

Tumangging humarap sa camera ang pulis na nakatalaga sa Basilan at napadayo lang sa Maynila para asikasuhin ang mga hinawakang kaso noong naninilbihan pa sa Cubao.

Ikinatwiran naman ng mga kawatan ang matinding pangangailangan kung bakit nagawa nila ang krimen. Dati na silang nakulong sa kasong pagnanakaw at paglabag sa mga ordinansa.

Narekober sa mga suspek ang isang dart pin at 2 nakaw na cellphone. Mahaharap sila ngayon sa kasong robbery theft.

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.