Jolina nanalasa sa Eastern Visayas, Bicol region; ilang lugar binaha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jolina nanalasa sa Eastern Visayas, Bicol region; ilang lugar binaha

ABS-CBN News
Published Sep 07, 2021 08:14 PM PHT
|
Updated Sep 07, 2021 10:31 PM PHT

(UPDATE) Nagdulot ng pinsala at pagbaha ang bagyong Jolina sa Eastern Visayas at maging sa Bicol region, partikular na sa Masbate, magmula nitong gabi ng Lunes.

Alas-12 ng hatinggabi ng Martes ay binaha na ang ilang bahagi ng Ormoc City, Leyte.

Ayon sa ilang mga inilikas na residente, ito ang unang pagkakataon na umabot sa baywang ang baha sa kanilang lugar.

Nagmistulang lawa din nitong umaga ng Martes ang ilang palayan at kalsada sa ilang bahagi ng siyudad, batay sa mga kuha ni Glenn Vergara.

Nasa 66 na barangay ang apektado ng baha.

Nagkalat naman sa Lawaan, Eastern Samar ang mga nabasa at nasirang learning modules ng Lawaan National School of Craftmanship na gagamitin sana para sa pasukan sa Lunes.

Nakatakda rin sanang inspeksyunin ng DepEd ang pasilidad. Hindi rin nila inaasahan na kabilang ang kanilang bayan sa mga tatamaan ng bagyo.

"'Yung information kasi na natatanggap namin coming from weather agencies like PAGASA, pinro-project siya na tatama siya sa northern part ng Eastern Samar at hindi sa southern part kung saan kami naandito," ayon sa guro na si Rey Sandy Abayan.

May ilang mga residente na inilikas din ng Philippine National Police mula sa mga coastal area.
May ilang mga residente na inilikas din ng Philippine National Police mula sa mga coastal area.
ADVERTISEMENT
Nailigtas din ang tatlong mangingisda na inabutan ng bagyo sa laot. Anila, itinali na lang nila ang kanilang bangka sa payaw o kawayan na nakatirik sa gitna ng laot na pinamamahayan ng mga isda.

Naapektuhan din ang ilang parte ng Eastern Samar, Leyte, Iloilo, at Capiz.

Sa ngayon ay nagsisimula nang humupa ang baha sa ilang bahagi ng rehiyon matapos tumigil ang pagbuhos ng ulan.

Pero hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa Tacloban City at sa mga lalawigan ng Samar at Eastern Samar.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nagpapatuloy ang inspeksiyon at pagkukumpuni nila sa mga linya.

Naapektuhan din ang Bicol Region sa pananalasa ng bagyo.

Bandang alas-11 ng umaga naramdaman ang hagupit ng bagyong Jolina sa Dimasalang, Masbate.

Napuruhan din ang mga bahay na nasa tabi ng dagat.
Binaha rin ang bahagi ng Mobo, Masbate at hinambalos ng malakas na hangin at ulan ang Barangay Morocborocan sa Uson, Masbate.

Mahigit 500 ding pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa rehiyon at kinansela ang mga biyahe sa mga pantalan sa Southern Tagalog.

Magmula nitong alas-6 ng hapon ay hinihintay pa ang ulat mula sa Office of Civil Defense - Bicol sa posibleng pinsala ng bagyo.

-- May mga ulat nina Sharon Evite at Karren Canon
Kaugnay na video:
Read More:
regional news
regional stories
Eastern Visayas
regional news
JolinaPH
Bagyong Jolina
weather updates
weather updates Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT