Chuva-Chuva Spa sa Cebu pinasabugan ng IED | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chuva-Chuva Spa sa Cebu pinasabugan ng IED

ABS-CBN News
Published Sep 08, 2018 09:34 AM PHT
|
Updated Sep 10, 2018 06:42 PM PHT

CEBU CITY (2nd UPDATE) - Pinasabugan ng improvised explosive device (IED) ang isang massage parlor sa Barangay Mabolo dito sa siyudad, Sabado ng madaling-araw.

Nasira ang glass door ng Chuva-Chuva Spa na umano'y pagmamay-ari ng isang negosyante na inakusahang sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa guwardiya ng massage parlor na tumanggi nang magpakilala, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng bomba sa establisimiyento pasado alas-3 ng madaling-araw, batay sa paunang ulat ng pulisya.

Wala namang nasugatan sa insidente.
Wala namang nasugatan sa insidente.
ADVERTISEMENT
Ipinasara na ng lokal na pamahalaan ang establisimiyento dahil wala umano itong business permit, pero may mga kustomer pa nang mangyari ang pagsabog.

Hinagisan din ng pampasabog ang Infinity Bar KTV and Music Lounge sa Archbishop Avenue.

Na-detonate naman ito ng mga awtoridad pasado alas-4 ng madaling-araw.

Ayon kay PO3 Rey Lumagon ng Abellana Police Station, dalawang lalaki rin na naka-motorsiklo ang naghagis ng bomba sa bar.

Sa inisyal na imbestigasyon, maari umanong iisa ang salarin sa pagbabasabog sa massage parlor at sa bar dahil halos magkasunod lamang ang dalawang insidente at parehong sa labas ng mga establisimyento.

Pareho rin umanong kulay green na motorsiklo ang sinakyan ng mga salarin.

Ayon kay Inspector Maria Theresa Macatangay sa Fuente Police Station, nahihirapan silang matukoy ang mga salarin dahil umano hindi nakikipag-ugnayan ang may-ari ng bar sa mga pulis.

Hindi ito ang unang beses na may nagtapon ng pampasabog sa labas ng bar.

Samantala, kinumpirma naman ng Police Regional Office sa Central Visayas na pagmamay-ari ng negosyanteng si Peter Lim ang dalawang establisimyento.

Ayon kay PRO 7 Director Debold Sinas, maaaring may personal na motibo laban kay Lim ang mga naghagis ng pampasabog.
Ayon kay PRO 7 Director Debold Sinas, maaaring may personal na motibo laban kay Lim ang mga naghagis ng pampasabog.
ADVERTISEMENT
May natanggap rin silang mga ulat na umano'y mga menor de edad ang mga masahista at guest relations officers (GRO) sa mga nasabing establisimyento.

"We still have to validate kung may relation ba sa kanyang alleged involvement sa drugs," dagdag pa ni Sinas.

Gamit umano sa dynamite fishing ang mga pampasabog na ginamit, at maaaring hindi ito gawa ng mga organizadong grupo.

Ayon naman kay Cebu City Police Office Director Royina Garma, patuloy nilang binabantayan ang mga kilos ni Lim. - ulat nina Angelica Saniel at Annie Perez, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
explosion
blast
improvised explosive device
IED
Cebu City
Chuva-Chuva Spa
Infinity Bar KTV and Music Lounge
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT