ALAMIN: Paano mag-reactivate ng Comelec record online para makaboto sa Halalan 2022

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano mag-reactivate ng Comelec record online para makaboto sa Halalan 2022

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Residents line up to register as voters for the 2022 national elections at the Commission on Elections (Comelec) office in Manila on September 07, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News.
Residents line up to register as voters for the 2022 national elections at the Commission on Elections (Comelec) office in Manila on September 07, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News.

MAYNILA — Ilang mga Pilipino ang maaaring mag-reactivate ng kanilang records sa Commission on Elections (Comelec) online para makaboto sa darating na halalan.

Ang reactivation ay ginagawa kung ikaw ay hindi nakaboto ng 2 beses na magkasunod na halalan.

Batay sa Comelec Resolution 10715, maaaring magpasa ng mga requirements online ang mga botanteng may kumpletong biometrics data ng siyudad, munisipalidad o distrito kung saan sila nag-file ng kanilang application.

Kabilang sa mga maaaring sumailalim sa virtual submission and processing ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT

Narito naman ang mga hakbang para i-proseso ang inyong reactivation online:

1. Ang mga deactivated na botante ay maaaring magproseso ng kanilang reactivation online sa pamamagitan ng pag-print ng application form sa Comelec website, manu-manong pagpupunnan ng form, at paglalagay ng mga aktibong detalye ng contact tulad ng cellphone number at e-mail address.

Ang mga senior citizens, PWD, at PDL na nais mag-reactivate ng kanilang credentials ay kailangan ding mag-download at punan ang supplementary data form para sa tulong na kailangan nila sa araw ng halalan.

2. Ang reactivation ng mga botante ay kailangang i-scan ang mga form ng aplikasyon ng botante kasama ang magkabilang panig ng alin man sa mga sumusunod na valid ID ng botante:

  • employee’s ID with signature of the employer or authorized representative
  • postal ID
  • PWD discount ID
  • senior citizen’s ID
  • student’s ID or library card with the signature of school authority
  • driver’s license
  • NBI clearance
  • SSS/GSIS ID
  • passport
  • IBP ID
  • license issued by PRC
  • certificate of confirmation from NCIP - for IPs, ICCs
  • marriage contract or court order with a certificate of finality order by the Civil Registrar or Consul General

3. Ipadala ang na-scan na application form at supporting documents sa opisyal na e-mail ng Offices of the Elections Officer sa inyong lugar, na matatagpuan din sa Comelec website.

ADVERTISEMENT

Ang mga senior citizen, PWD, at PDL ay maaari ring magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa pamamagitan ng isang awtorisadong kinatawan.

Pagkatapos nito, hintayin lang ang tugon para sa schedule ng online interview at oath taking.

Bukas ang voters' registration hanggang sa Setyembre 30.

PANOORIN KUNG PAANO ANG VOTERS' REGISTRATION PROCESS:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.