Babae patay nang mahulog sa Wawa Dam

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay nang mahulog sa Wawa Dam

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 10, 2017 08:21 AM PHT

Clipboard

Isang 20-taong gulang na babae ang natagpuang patay sa isang bahagi ng Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Churchelene Cabada.

Martes ng umaga ay kasamang umakyat ni Cabada ang tatlo pang kaibigan sa Mount Pamintinan.

Pero bandang alas-3:30 ng hapon ng araw ding iyon ay natagpuan ang katawan niya na lumulutang sa Wawa Dam. Sugatan ang kanang bahagi ng mukha at wala nang damit pang ibaba.

ADVERTISEMENT

Ayon sa tour guide sa Wawa Dam na tumulong mag-ahon sa katawan ni Cabada, noong una niyang nakita ang katawan ng dalaga ay kumpleto pa ang saplot nito. Matapos alunin sa kabilang panig ng dam, ay wala na ang pambabang damit nito.

“Siguro sa sobrang lakas ng current ng tubig, maaari po talagang matanggal 'yung suot. Normal po 'yun sa mga nalunod dito,” paliwanag ni Ronald Tercenio.

Sabi naman ng bantay ng cottage na ni-rentahan nina Cabada, bago ang insidente ay bumili ng dalawang bote ng alak ang apat na magkakaibigan.

Pagkatapos mag-inuman ay umakyat sila sa mataas na bahagi ng dam kung saan nakita umanong nahulog si Cabada matapos maiwang mag-isa ng mga kaibigan niya.

“Pag-akyat, 'yung Churchelene lasing na talaga, may nagsasabi, nag-dive daw po sa tubig,” sabi ni Celia Bernardo, desk officer ng Barangay San Rafael sa Sitio Wawa Annex.

ADVERTISEMENT

Hindi naman ito mapaniwalaan ng mga kaibigan ni Cabada.

“Hindi gagawin ni Churchelene na tumalon doon kasi priority niya family niya. Maraming pangarap siya. Makapagtapos ang kapatid niya ng pag-aaral,” banggit ng kaibigang si Mon dela Cruz.

“Kailangan namin ng hustisya. Foul play talaga. Kung sa bangin lang tumalon, daming sugat sana 'yun. Isa lang ang sugat dito eh at sa baba. Parang pinalo lang. 'Yung katawan walang pasa. Tapos hubo’t hubad pa,” ayon sa tiyuhin ng biktima na si Reylan Malunes.

Para sa kanyang tiyuhin, isang masayahing bata si Cabada.

“Hindi siya depressed. Malabo talaga 'yun. Hindi magpapakamatay 'yun,” sabi ni Malunes.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakikiusap ang desk officer ng Barangay SanRafael sa hikers na iwasang uminom ng alak sa mataas na bahagi ng dam.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.