Red tide alert, itinaas sa ilang karagatan sa Samar, Eastern Samar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Red tide alert, itinaas sa ilang karagatan sa Samar, Eastern Samar
ABS-CBN News
Published Sep 10, 2022 03:00 PM PHT

Nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poisoning toxin o red tide ang mga nakuhang sample sa San Pedro Bay na sakop ng bayan ng Basey, Samar na isinailalim sa laboratory examination.

Batay sa pinakabagong advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa rehiyon, nagpositibo rin sa red tide toxin ang mga sample mula sa Matarinao Bay.

Kaya umiiral pa rin ang shellfish ban.
Kaya umiiral pa rin ang shellfish ban.
Ang Matarinao ay sakop ng mga bayan ng General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar. Samantala positibo rin sa red tide ang coastal waters ng bayan ng Guiuan, Eastern Samar.

Dahil dito, nagpaalala ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pagkuha, pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa mga nasabing dalampasigan.

Maaari namang kainin an mga isda, pusit, at alimango mula dito basta't huhugasan nang maigi bago lutuin. – Ulat ni Ranulfo Docdocan