Vlogger, 2 iba pa timbog sa Laguna dahil sa droga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vlogger, 2 iba pa timbog sa Laguna dahil sa droga

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa San Pablo PNP
Larawan mula sa San Pablo PNP

Inaresto ang tatlong suspek, kabilang ang isang vlogger, sa buy-bust operation ng pulisya sa San Pablo City, Laguna nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa San Pablo Police, inaresto ang 31-anyos na vlogger na si alias "Jhem," isang alias "Nalyn" at isang alias "Lake" pawang mga residente Barangay San Isidro.

Natimbog ang tatlo sa isinagawang buy-bust operation sa kanilang tinutuluyang bahay matapos makabili ng hinihinalang ilegal na droga sa mga suspek ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam sa mga ito ang 10 pakete ng mga heat-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana leaves, na may timbang na humigit kumulang sa 2.5 kilo at tinatayang may halaga na aabot sa P3.75 milyon.

ADVERTISEMENT

Nakumpiska rin sa mga ito ang buy-bust money at isang luggage bag na pinaglalagyan ng mga marijuana.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng San Pablo City Police Station habang ang mga nakuhang ilegal na droga ay isusumite sa Provincial Forensic Unit at Camp Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna Crime Laboratory para sa forensic examination. —ulat ni Ronilo Dagos

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.