'Tayo na lang naiwan': Pagbubukas ng klase sinabayan ng protesta ng mga kabataan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tayo na lang naiwan': Pagbubukas ng klase sinabayan ng protesta ng mga kabataan

Raya Capulong,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 13, 2021 09:35 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sinabayan ng kilos protesta ng iba't ibang grupo ng mga kabataan ang unang araw ng pagbubukas ng klase ngayong Lunes.

Bitbit ang mga placard, malakas ang pagsigaw ng mga grupo ng kabataan na dapat gawan ng paraan ng gobyerno ang ligtas na pagbalik-eskuwela ng mga estudyante.

Ayon kay Raoul Manuel, national spokesperson ng Kabataan partylist, hirap na hirap na umano ang mga kabataan dahil magdadalawang taon na ay distance learning pa rin ang inihahaing solusyon ng gobyerno.

"Hindi puwedeng record holder tayo, tayo na lang naiiwan na bansa na hindi binibuksan ang mga paaralan... Kung bukas ang mga pasugalan, kung bukas ang mga mall, bakit sarado ang mga paaralan?" giit niya.

ADVERTISEMENT

Tuloy-tuloy aniya ang gagawing pangangalampag nila para igiit ang kanilang mga panawagan.

Binatikos din ng ACT Teachers partylist ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na dapat "ipagdiwang" ang "tagumpay" ng pagbubukas ng klase.

Sabi ng grupo, "bare minimum" lang ang ginawa ng DepEd at walang kapuri-puri dito.

"What's there to celebrate? Another school year of school closure, making the Philippines one of the last in the world to re-open schools amid the pandemic? Stop patting yourselves on the back for doing the bare minimum of re-opening classes while failing to address major issues in education," anila.

Bukod sa Pilipinas, Venezuela na lang ang isa pang bansang walang face-to-face classes.

Sa huling tala ng DepEd nitong Lunes, 24.6 milyong estudyante ang enrolled sa basic education, o katumbas ng 93.8 percent ng enrollment noong isang taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.