9-anyos na babae, tinadtad ng palo ng ama

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

9-anyos na babae, tinadtad ng palo ng ama

Danielle Louise Rebollos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2017 07:37 PM PHT

Clipboard

CAUAYAN CITY, Isabela - Puro pasa ang iba't ibang bahagi ng katawan ng isang 9-anyos na batang babae matapos itong paghahampasin ng sinturon ng kaniyang tatay.

Naireport lamang sa pulis ang insidente matapos makita ng guro at mga kaklase ng bata ang mga namumulang latay magmula sa leeg hanggang sa ulo ng paslit.

Inamin ng bata sa kanyang guro at mga kamag-aral na nabugbog siya ng kanyang ama dahil sa pangungupit ng P100.

Ayon sa pagsusuri ng mga opisyal mula sa City Health Office, nagtamo ang bata ng hindi bababa sa 25 na latay ng sinturon sa iba't ibang bahagi ng katawan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa City Social Welfare and Development Office, ulila na sa ina ang bata at ang kanyang ama at nakakatandang kapatid na babae ang kasama niya sa bahay.

Wala ang tatay sa kanilang tahanan nang sadyain ng ABS-CBN News team.

Sa kabila ng sinapit, pumapasok pa rin sa eskwelahan ang bata at ayon sa principal, bumubuti na ang kalagayan ng bata.

Ayon sa mga awtoridad, isasailalim ang tatay sa counseling.

Sa ngayon, nagkasundo ang mga opisyal ng pamahalaan at paaralan ng bata na manirahan muna ang menor sa kaniyang tiyuhin.

Haharap ang tatay ng bata sa mga kasong may kaugnayan sa child abuse.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.