Mga pagupitan, kainan dinagsa sa unang araw ng NCR Alert Level 4 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pagupitan, kainan dinagsa sa unang araw ng NCR Alert Level 4
ABS-CBN News
Published Sep 16, 2021 06:57 PM PHT

MAYNILA - Dumagsa na ang mga consumer sa karinderya at sa mga restoran, maging sa mga pagupitan sa unang araw ng NCR Alert Level 4.

Sa ilalim nito, pinapayagan sa limitadong kapasidad ang mga personal care service, dine-in services, at iba pang establisimyento pero sa mababang kapasidad lang.

Agad na pumunta sa karinderya si Cres Bacho.

"Pag natakot ka, tatakutin ka talaga e, wala na e, magugutom kami," ani Bacho.
"Pag natakot ka, tatakutin ka talaga e, wala na e, magugutom kami," ani Bacho.
ADVERTISEMENT
Pero may iilan na take-out na muna ang pagkain dahil sa pangamba sa COVID-19, gaya ni Harvy Banguis na madalas kumakain sa karinderya bago mag-lockdown.

Dumami rin ang mga kumakain sa mga mall. Sa ilang dine-in resturant, hinahanapan ng vaccination card ang ilang customer.

Si Billy Papio na senior citizen at kaniyang asawa, na-miss namang kumain sa labas.

"Vaccinated na kami, next di naman kami nagtatagal sa mall," ani Papio nang tanungin kung natatakot lumabas.

Dinagsa rin ang mga al fresco dining area. Kasama sa pumunta ang magbabarkadang nag-celebrate ng birthday ng kasamahan.

"Maka-experience po ng ibang atmosphere kasi po sa bahay lagi po kaming tutok sa cellphone sa screen ng laptop, gusto po naming ma-relax ang mata namin para maging ready kami sa darating na online class namin," anang customer na si Prince Labay.

May pila rin sa ilang barberya dahil limitado lang ang puwedeng gupitan. May iilang kustomer rin sa mga parlor, pagupitan, at nail parlor.

Ganado namang magtrabaho ang stylist na si Rael Perez dahil isang buwan nang natengga.

"Sumarap-sarap sa pakiramdam dahil kumbaga du'n pa lang ulit kami magsa-start para may pangsuporta sa aming pamilya dahil wala kaming pagkukunan kundi talagang dito lang din," ani Perez.

Naghahanda na rin ang mga mall sa posibleng pagdami pa ng tao sa payday weekend.
Naghahanda na rin ang mga mall sa posibleng pagdami pa ng tao sa payday weekend.
ADVERTISEMENT
Extended hanggang alas-9 ng gabi ang mall hours ng SM Malls Sa Metro Manila. Ganito rin ang ipapatupad ng Robinsons Malls hanggang Lunes.

Karamihan naman sa mga mall ng Ayala Malls ay alas-8 na ang closing time.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
NCR Alert Level 4
restaurant
lockdown
Philippines
restaurants NCR
Metro Manila
haircut
personal care services
alert level status
karinderya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT