FDA chief sa di rehistradong Reno liver spread: 'Eat at your own risk'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA chief sa di rehistradong Reno liver spread: 'Eat at your own risk'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Isa sa mga sikat na de lata sa bansa ang Reno liver spread, na kilalang palaman sa tinapay o kaya ay sangkap sa mga paboritong Pinoy dishes.

Pero ngayong naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration na hindi pala ito rehistrado sa kanilang tanggapan - kahit pa man 1958 pa ito umpisang ibenta sa merkado - ligtas pa rin ba ang nabili nang stock ng Reno bago pa man ilabas ang advisory, o dapat na itong itapon?

Payo ni FDA Director General Eric Domingo sa mga nakabili na ng liver spread bago nila isapubliko ang kanilang advisory: "Eat at your own risk."

Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Domingo na bagama't wala pa naman silang naitatalang ulat na may nagkakasakit o nalalason dahil sa naturang liver spread, dapat pa ring maging maingat ang mga nakabili na nito.

ADVERTISEMENT

"Wala pang reports na natanggap. Pero 'yung nabili ninyo hindi naman kayang garantiyahan iyan [kasi hindi pa iyan dumaraan] sa pagsusuri ng FDA so we cannot guarantee the safety and quality of the product," ani Domingo sa panayam sa Konsyumer Atbp.

"Eat at your own risk kasi hindi po yan registered sa amin.... Hintayin muna natin na makasunod sila then that would be at least an indicator na compliant po sila," dagdag niya, nang tanungin kung puwede pa rin bang kainin ang sikat na liver spread habang hinihintay ang FDA registration nito.

Agosto 26 nang maglabas ng public health warning ang FDA para sa ilang produkto na hindi rehistrado sa ahensiya.

Kalauna'y nagpaliwanag ang FDA na nagsabing may license to operate naman bilang food repacker ang Reno Foods Incorporated, ang manufacturer ng liver spread. Sinabihan din ang kompanya na kumuha ng certificate of product registration (CPR) para sa mga produkto nila, pero ngayong 2020 ay nalaman ng FDA na hindi sumunod ang kompanya.

Giit ni Domingo, importanteng ma-register sa kanilang tanggapan ang naturang liver spread kahit pa man matagal na itong nasa merkado.

"Talaga namang through the many years na this has been on the market wala naman tayong natatanggap na adverse [effects] kaya lang nagbago na ang halimbawa mayroon nang hindi na puwedeng ilagay sa pagkain ngayon. Tapos 'yong [paglalagay ng] nutritional information. Gusto lang natin makita kung scientificially stable ang produkto kapag ginawa nang de lata," ani Domingo.

Ayon kay Domingo, nagsulat na raw sa kanila ang manufacturer ng Reno, na umaming hindi sila rehistrado sa tanggapan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.