Haba ng pila sa pag-renew, pagkuha ng passport sa DFA idinaing
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Haba ng pila sa pag-renew, pagkuha ng passport sa DFA idinaing
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2021 08:27 PM PHT

MAYNILA - Dumadaing ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa haba ng pila sa pag-renew at pagkuha ng passport.

Kabilang dito ang seafarer na si Nicanor Banluta Jr., isang seaman na nagsumbong na rin umano sa 8888 text hotline pero walang napala.

"'Di ko kailangan ayuda ng gobyerno, ibigay lang nila passport ko. Kaya kong buhayin pamilya ko. Sabihan ka lang ng 'habaan mo lang pasensiya mo.' E hanggang kailan?" ani Banluta.

Nakapila na rin sa matinding sikat ng araw ang mga tao sa labas ng Office of Consular Affairs (OCA) ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Paliwanag ng DFA, humaba ang pila sa tangagpan dahil pansamantalang isinara ang mga NCR consular office para sa disinfection.

"OCA said that the long lines was (sic) due to the transfer of passport appointments to the main office in ASEANA from consular offices in the NCR that had to temporarily close for disinfection," anila.

Lubha rin umanong naapektuhan ang kanilang proseso matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang tauhan.

Marami rin umanong aplikante ang nagpasyang mag-pick up ng passport sa Aseana dahil bigong mai-deliver ito sa kanila.

Ayon sa kanilang courier service provider, nasa 2,000 pasaporte ang hindi mai-deliver dahil mali ang address o kaya ay walang authorization letter sa mga aplikanteng wala sa kanilang address nang i-deliver ang passport.

Nasa 70,000 ang backlog ng DFA sa passport na nagsimula noong kalagitnaan ng Hulyo hanggang unang bahagi ng Agosto.

Kung OFW naman na malapit nang umalis, maaaring gumamit ng courtesy lane at mag-email sa DFA.

Inilipat na rin ang releasing site ng passport sa Double Dragon Plaza sa Pasay City. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
Philippine passport
passport lines in the Philippines
Department of Foreign Affairs
DFA
passport
OFW
overseas Filipino workers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT