3 nawalang hiker, na-rescue sa Mt. Pico de Loro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 nawalang hiker, na-rescue sa Mt. Pico de Loro

Paulo Ferrer,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nasagip ng mga awtoridad Linggo ang tatlong hiker na napaulat na nawawala sa Mount Pico de Loro sa Cavite nitong Sabado.

Naligaw ang hikers na sina John Carlo Molino, 25; Mark Stephen Fernandes, 26; at Jan Jerome Vicedo, 23, dakong alas-2:30 Sabado ng hapon.

Naghanap ang tatlo ng daan para maligo sa ilog, pero hindi na nakabalik sa trail, ayon kay Marie Belle Igmat, superintendent ng Mounts Palay-Palay-Mataas-na-Gulod Protected Landscape.

Na-contact naman ng grupo ang ilang kaibigan sa Maynila, na nag-ulat ng kanilang pagkawala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pansamantalang ipinagbawal ang pag-akyat sa bundok kahapon upang hindi maabala ang search and rescue operation sa tatlo.

ADVERTISEMENT

Pasado alas-6 Linggo ng umaga nakita ang mga mawawalang hiker sa bahagi ng bundok na hindi madalas napupuntahan ng mga mountaineer.

Nakauwi na sila habang nagbalik-normal na rin ang mga aktibidad sa bundok.

Ipinaalala ng awtoridad sa publiko na maging responsable at sumunod sa mga regulasyon upang maiwasan ang kaparehong insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.