SAPUL SA CCTV: Estudyante, nabudol-budol ng nagpakilalang nanay ng kaklase
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Estudyante, nabudol-budol ng nagpakilalang nanay ng kaklase
ABS-CBN News
Published Sep 27, 2017 10:59 PM PHT

Sapul sa CCTV ang "budol-budol" modus ng isang babae sa Valenzuela City, nitong Lunes, Setyembre 25.

Naglalakad ang 13 anyos na estudyante sa Karuhatan Road sa Valenzuela nang sundan siya ng isang babae.

Ilang minuto pa, makikita sa kuha ng CCTV na nag-uusap sila sa isang tabi at pagkatapos ay sabay na naglakad patungo sa paradahan ng mga motorsiklo.

Dito na umano kinuha at hinalungkat ng babae ang bag ng estudyante at tila may kausap pa sa cellphone.
Dito na umano kinuha at hinalungkat ng babae ang bag ng estudyante at tila may kausap pa sa cellphone.
ADVERTISEMENT
Bagama’t hindi na nakuha sa CCTV ang ibang pangyayari, ayon sa barangay, kinuha ng babae ang cellphone at wallet ng dalagita.

Pinalabas umano ng babae na nanay siya ng kaklase ng biktima at sinabing nawala ang cellphone ng kanyang anak kaya gusto niyang ininspeksyunin ang bag ng dalagita.

Ikatlong kaso na ito ng budol-budol na idinulog sa barangay, ayon sa mga awtoridad.

Dagdag pa nila, lahat ng biktima ay mga estudyanteng ninakawan ng cellphone.

Ang iba pang taktika ng modus, mag-aabang ang mga mambubudol ng isang mamimiling mayroong hawak ng isang mamahaling cellphone sa loob ng isang department store.

Palalabasin umano ng suspek na mayroong mali sa mga pinamili ng biktima.

Kunwari’y dadalhin sa counter ang mamimili upang i-double check ang mga gamit, saka siya bibiktimahin, paliwanag ni Patrick Perez, Executive Officer III ng Brgy. Karuhatan.

Ayon pa kay Perez, nahihirapan silang hulihin ang babae dahil paiba-iba ang oras ng kaniyang pambibiktima.

Naglabas na rin sila ng anunsiyo sa social media upang maalerto ang mga taga-Valenzuela sa suspek.

Nagpahayag din sila sa publiko na agad makipag-ugnayan sakaling makita ang suspek ng budol-budol.
Nagpahayag din sila sa publiko na agad makipag-ugnayan sakaling makita ang suspek ng budol-budol.
ADVERTISEMENT
Babala ng barangay sa mga estudyante, huwag basta-bastang makikipag-usap sa mga taong hindi kilala.

Pinaghahanap pa rin ng barangay ang suspek na madalas umanong mambiktima ng mga estudyante.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
PatrolPH
tagalog news
balita
budol-budol
krimen
modus
Kristine Sabillo
Valenzuela City
CCTV
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT