Buwanang sahod para sa mga bus driver, konduktor, kinatigan ng SC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buwanang sahod para sa mga bus driver, konduktor, kinatigan ng SC

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa halip na porsiyentuhan, dapat ay may buwanang suweldo at mga benepisyo ang mga driver at konduktor ng mga public utility bus, ayon sa Korte Suprema.

Kinatigan ng Supreme Court ang isang memorandum circular na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noon pang 2012 na layong gawing "part-fixed-part-performance-based" ang pagpapasahod sa mga driver at konduktor.

Ito ay matapos kuwestiyunin sa korte ng ilang bus operator ang legalidad ng memorandum.

Sa ilalim ng "part-fixed-part-performance-based" na sistema, hindi bababa sa minimum wage ang sahod ng mga driver kada buwan.

ADVERTISEMENT

Walong oras lang din dapat sila magtatrabaho at kapag lumagpas doon ay babayaran sila ng overtime pay.

Magkakaroon din sila ng night differential o ibang rate sa suweldo kapag gabi nagtrabaho, at membership sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG, at Philhealth.

Umaasa ang LTFRB na makatutulong ang bagong paraan ng pagpapasahod para maiwasan ang paghataw at pakikipag-unahan ng mga bus para kumita nang mas malaki, na kadalasan daw ay sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko at mga aksidente sa kalsada.

"Kung [nasa] kondisyon ang driver mo then ibig sabihin niyan, ang ride ng mga mananakay ay safe. Hindi inaantok ang driver mo, hindi nagmamadali dahil hinahabol ang komisyon," ani LTFRB board member Aileen Lizada.

"We know that you need to earn income but not at the expense of the riding public through the driver na wala sa kondisyon," ani Lizada.

ADVERTISEMENT

May ilang kompanya ng bus na ang sumunod at buwanan na kung magpasahod sa mga driver at konduktor, dagdag pa ang mga benepisyo. Karamihan daw rito ay mga premium, point-to-point, at provincial bus.

Dahil "part-performance" din ang sahod, ibig sabihin, kapag walang bangga o aksidente, nasa oras ang biyahe at hindi madalas lumiban ang driver, may karagdagang siyang matatanggap na sahod o incentive.

Puwedeng suspendehin o kanselahin ng LTFRB ang prangkisa ng sino mang hindi susunod sa kautusan, bukod pa sa ipapataw na parusa ng Department of Labor and Employment sa paglabag sa Labor Code.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.