Lalaki, arestado dahil sa reklamong 'sextortion' ng 12 anyos
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, arestado dahil sa reklamong 'sextortion' ng 12 anyos
ABS-CBN News
Published Sep 29, 2020 06:16 PM PHT
|
Updated Sep 29, 2020 07:29 PM PHT

Isang lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation sa tangkang pakikipagtalik umano sa isang 12 anyos na babae matapos niyang takutin na ikakalat ang mga maselang video at larawan nito.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Randy Cordovez, na hinuli sa Nueva Ecija.

Aminado si Cordovez na gumawa siya ng pekeng Facebook account at nagkunwari ring isang dalagita para kaibiganin ang biktimang si "Serena."

Tinuruan umano ng suspek si "Serena" na kumuha ng mga retrato ng sarili.
Tinuruan umano ng suspek si "Serena" na kumuha ng mga retrato ng sarili.
ADVERTISEMENT
Araw-araw umanong magkausap ang suspek at biktima sa loob ng 2 buwan.

Lumabas din sa imbestigasyon ng NBI na may 5 pang ibang biktima na mga menor de edad na kinukuhanan din ni Cordovez ng mga retrato at video.

Nabisto ng mga magulang ni "Serena" ang krimen nang mapansing may pagbabago sa ugali ng biktima, ani Vic Lorenzo, hepe ng NBI Cybercrime Division.

Pinayuhan ni Lorenzo ang mga magulang na kilalanin kung sino ang ka-chat ng kanilang mga anak, lalo ngayong pandemya kung saan humahaba ang oras ng mga bata online.

Kulong si Cordovez sa patong-patong na kaso ng grave coercion, paglabag sa Anti-Child Pornography Act at Anti-Photo and Video Voyeurism Act. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
sextortion
grave coercion
child pornography
voyeurism
arrest
National Bureau of Investigation
online sexual exploitation of children
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT