Halalan 2022: Mga naghain ng kandidatura, Oktubre 2
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halalan 2022: Mga naghain ng kandidatura, Oktubre 2
ABS-CBN News
Published Oct 02, 2021 06:21 PM PHT
|
Updated Oct 02, 2021 11:42 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) —Nagpapatuloy ang paghahain ng kandidatura ngayong Sabado para sa 2022 national elections.

Naghain na ng kaniyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Sen. Bong Go, ang long-time aide ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ni Go si Duterte sa paghahain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa Sofitel Philippine Plaza.

Tatakbo si Go sa ilalim ng PDP Laban. Matatandaang si Duterte ang unang inendorso ng Cusi wing ng PDP-Laban sa pagkabise presidente, habang si Go naman ang inendorso sa pagka-presidente.

Matagal nang aide ni Duterte si Go mula pa noong maging kongresista ito, at madalas na nakakasama ang pangulo kahit pa nanalo na ito sa pagkasenador.

Si Go noon ang hinimok ni Duterte na tumakbo sa pagkapangulo, pero tumanggi umano si Go sa alok nito.

Bukod dito, naghain din ng kaniyang kandidatura ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa pagkasenador. Noong Biyernes ay nagpaalam na si Tulfo sa kanyang mga programa sa radyo at TV para sa kanyang kandidatura.

Sa press conference, binanggit ni Tulfo na hindi patas ang batas sa Pilipinas at gusto niyang bigyan ng pantay na proteksyon ang mga kapuspalad.

Malakas umano ang loob ni Tulfo na mananalo siya sa tulong ng malawak na taga suporta.
Malakas umano ang loob ni Tulfo na mananalo siya sa tulong ng malawak na taga suporta.
ADVERTISEMENT
Aminado si Tulfo na kinausap siya ng ibang grupo pero pinili niyang maging indpenendet para sa kanyang loyalty sa mga taga suporta.

Kabilang pa mga naghain ng COC para sa partylist ang mga grupong APEC, PhilRECA, Recoboda, Ako Padayon Pilipino, Abang Lingkod, at Philippine National Police Retirees Association.

Naghain naman ng COC sa pagkasenador sa pamamagitan ng kanyang representative ang founder ng KAPA Community Ministry International na si Joel "Pastor" Apolinario na inaresto noong nakaraang taon dahil sa kasong syndicated estafa na nag-ugat sa investment scheme.

Isa ang naghain ng COC sa pagkapresidente si Victoriano Inte ng Maricaban, Pasay.

Nauna nang inamin ni Senador JV Ejercito na magiging malaking pagsubok uli ang pagtakbo ngyong taon dahil sa posibleng kandidatura ng kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa mga lokal na posisyon, naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-alkalde si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa aniya'y pagnanais niya ng ika-3 termino.

Pero sabi ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang ambush interview na tatakbo ang kaniyang anak sa pagkapangulo.

Wala namang komento si Duterte-Carpio rito.

-- May mga ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT