Pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mala-trangkasong sakit inaasahan ng DOH | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mala-trangkasong sakit inaasahan ng DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2023 08:40 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Inaasahan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakakahwang sakit, gaya ng trangkaso, ngayong panahon ng tag-ulan pati sa mga susunod na buwan kung kailan may malamig na panahon.

Base sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Setyembre 16, umabot na sa higit 134,000 ang naitala nilang influenza-like illness o mala-trangkasong sakit.

Bukod rito, tumaas din umano ang kaso ng COVID-19 mula noong Agosto. Sa katunayan, as of October 2, nasa 172 ang average na bilang ng mga bagong kaso kada araw.

Pero nananatili umanong low risk ang alokasyon ng mga kama sa intensive care unit.

ADVERTISEMENT

Kaya naman ang mga ospital tulad ng Rizal Medical Center, ay naghahanda na sa posibilidad ng pagtaas ng mga dudulog na pasyente.

Ngayon pa lang, aminado na silang marami talaga ang nagpapakonsulta na mga pasyenteng may mala-trangkasong sakit.

Sa isang araw, umaabot umano sa 400 pasyente sa outpatient department.

Puno rin ang emergency room ng mga pasyenteng iba-iba ang iniinda.

"Most common pa rin na dumarating is stroke, heart conditions, abdominal mean. Pneumonia is still there," ani Dr. Primo Valenzuela, infectious disease specialist sa Rizal Medical Center.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Valenzuela, hindi naman kailangan na tumakbo sa ospital agad sa oras na tamaan ng trangkaso.

Bukod kasi sa baka makahawa pa ng iba habang papuntang ospital, baka may pasyenteng mas nangangailangan ng agarang tugon.

"Kung naghe-headache ka lang, kaunting ubo, sipon, naglalagnat, puwede kang mag-rest sa bahay. Just make sure that if you notice any worsening of the symptoms, that's when you go to the hospital," ani Valenzuela.

Hinikayat din ng DOH ang publiko na i-assess ang sarili at pairalin ang nakasanayang pagsusuot ng face mask, pagpapanatili ng magandang bentilasyon at pag-isolate kung may sakit.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.