'45 porsiyento ng mga Pinoy, naniniwalang may problema sa kalusugan si Duterte' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'45 porsiyento ng mga Pinoy, naniniwalang may problema sa kalusugan si Duterte'
ABS-CBN News
Published Oct 07, 2018 07:03 PM PHT

Halos kalahati ng mga Pinoy ang naniniwalang may problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Linggo.

Sa 1,500 na lumahok sa survey noong nakaraang buwan, 45 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang may problema sa kalusugan sa pangulo habang 26 porsiyento naman ang hindi naniniwala. Nasa 29 porsiyento naman ang nagsabing hindi buo ang kanilang pasya sa isyu.

Nasa 61 porsiyento ang nagsabing dapat isapubliko ng pangulo ang tunay na estado ng kaniyang kalusugan habang 33 ang nagsabing pribadong bagay ito, ayon sa survey.

Lumabas din sa survey na 55 porsiyento ng mga respondent ang nag-aalala sa kalagayan ng pangulo.
Lumabas din sa survey na 55 porsiyento ng mga respondent ang nag-aalala sa kalagayan ng pangulo.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang linggo, kinumpirma mismo ni Duterte na sumailalim siya sa endoscopy at colonoscopy, at nagpatingin sa kaniyang doktor dahil sa Barrett's esophagus o komplikasyon ng gastroesophageal reflux disease (GERD), na nagdudulot ng matidning sakit sa tiyan.

Tiniyak ng Palasyo noong Agosto na susunod si Duterte sa nakasaad sa Saligang Batas at isasapubliko ang lagay ng kaniyang kalusugan sakaling magkaroon siya ng malubhang sakit.

Ayon naman kay Soledad Mawis, dekano ng Lyceum of the Philippines University-College of Law, hindi malinaw sa Konstitusyon kung paano maituturing na "serious illness" ang sakit ng isang pangulo at kung dapat nang isapubliko.

"I think we have to go now and ask the doctors but I think a serious illness is an illness that would incapacitate him to perform his duties as a President of the Republic," ani Mawis.

(Palagay ko kailangan nating tanungin ang mga doktor pero sa tingin ko, ang 'serious illness' ay isang sakit kung saan mawawalan siya ng kakayahan ng magawa ang kaniyang mga tungkulin bilang pangulo.)

Nasa Hong Kong si Duterte kasama ang kaniyang pamilya.

Sa Facebook post ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go, sinabi niyang nasa Hong Kong ang pangulo para magpahinga.

Nakatakdang bumalik ng bansa si Duterte sa Linggo ng gabi.

--Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT