'Buong-buo ang loob ko': VP Leni tatakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Buong-buo ang loob ko': VP Leni tatakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022

'Buong-buo ang loob ko': VP Leni tatakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2021 07:02 PM PHT

Clipboard

Pangalawang Pangulo Leni Robredo nagpahayag ng pagtakbo bilang pangulo para sa #Halalan2022 noong ika-7 ng Oktubre, 2021. Jire Carreon, ABS-CBN News
Pangalawang Pangulo Leni Robredo nagpahayag ng pagtakbo bilang pangulo para sa #Halalan2022 noong ika-7 ng Oktubre, 2021. Jire Carreon, ABS-CBN News

MAYNILA (2ND UPDATE) — Tatakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022 si Bise Presidente Leni Robredo, dala ang aniya'y hangaring "palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon."

Nitong Huwebes din naghain ng kaniyang kandidatura si Robredo, kung saan nakasama niya ang dalawa sa tatlong anak na sina Aika at Tricia at ang election lawyer na si Romulo Macalintal.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umaga ng Huwebes nang ianunsiyo ni Robredo na tatakbo siya sa pagkapangulo sa kaniyang tanggapan sa Quezon City.

Naghain din ng kandidatura sa pagkapangulo ang dating BPO call center agent na si Jeffry Roden, na napilitang kumandidatong pangulo dahil aniya hindi siya sang-ayon sa itinatakbo ng bansa at ng lipunan.

ADVERTISEMENT

Magkakasunod namang naghain ng kanilang kandidatura ang mga human rights lawyer na si Chel Diokno at dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pagka-senador.

"Ina akong nakikita ang pagdurusa ng minamahal kong bansa. Naniniwala akong ang pag-ibig, hindi lang nasusukat sa pagtitiis kundi sa kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap, para matapos na ang pagtitiis," ani Robredo sa talumpati sa labas ng kaniyang tanggapan.

"Ang nagmamahal, kinakailangan ipaglaban ang minamahal," giit niya.

"Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa talumpati, ibinida niya ang ilang programa habang pandemya, tulad ng medical livelihood assistance, "vaccine express," swab cab, Bayanihan E-konsulta, free shuttle services at iba pa.

ADVERTISEMENT

Giit niya: "Kung naipatupad natin ang lahat ng ito, kung nakarating ang tulong natin sa Agutaya hanggang San Remigio, hanggang sa ground zero ng Marawi, kahit ginigipit tayo, imagine kung ano pa ang kaya natin marating."

Bago ang anunsiyo, nagsagawa siya ng mga unity talk na layong bumuo ng alyansa para magtagumpay ang oposisyon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matunog din ang paghikayat sa kaniya na tumakbo ng ilang grupo, at kalimita'y trending pa sa social media site na Twitter.

Matapos ang anunsiyo, nag-trending ang #LabanLeni2022 sa Twitter, sa pagbubunyi ng ilan sa naging pasya ni Robredo. Pinalitan din nila ng kulay "pink" ang kanilang mga profile photo - na gagamitin umanong kulay ng Bise Presidente sa kaniyang kampanya para sa pagka-Pangulo.

Hindi na idinetalye ni Robredo ang pag-usad ng kaniyang unity talks para pag-isahin ang mga kandidatong hindi kaalyado ng administrasyon.

ADVERTISEMENT

"May alok din silang sumanib na lang ako bilang kandidato, o bilang bahagi ng kanilang administrasyon sakaling manalo sila. Ang tugon ko, hindi ito tungkol sa posisyon; hindi tayo nakikipag-usap para makipagtransaksiyon. Ang pinakamahalaga, magkaisa kami— sa prinsipyo, sa pangarap para sa bansa, at sa landas na dapat tahakin tungo sa katuparan ng mga ito," ani Robredo.

Mababawasan ba ang tsansa ng oposisyon?

Sa pagdedeklara ni Robredo ng kaniyang pagsabak sa presidential race, mas naging interesante ang darating na halalan, ayon sa political analyst na si Dr. Aries Arugay.

"Sa tingin ko the lines are drawn, meaning, malinaw 'yung sa tingin ko magiging kampo at malinaw sa tingin ko 'yung magiging mga issues na mapapag-usapan at mapapagdebatihan that will highly influence the voting choices of the Filipino public in 2022," ani Arugay.

Tingin naman ni Dr. Maria Fe Villamejor-Mendoza na hindi pinakipot ni Robredo ang tsansa ng oposisyon na manalo sa halalan.

"Siguro hindi man mare-reduce ang chances ng opposition. Kasi there were 14-16 million votes noon for VP Leni. Ang ano mo du'n, hindi naman siguro bibitaw 'yung 14-16 million," ani Villamejor-Mendoza.

ADVERTISEMENT

Punto naman ni Mendoza na hindi dapat matakot kung "plurality president" o mahahati lamang ang mga boto imbis na majority votes ang makukuha ng mananalo.

Matapos mahuli sa mga survey sa pag-arangkada ng kampanya sa 2016 elections, nanalo si Robredo sa pagka-bise presidente.

Kabilang sa mga tinalo niya si dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., anak ng namayapang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at isa sa mga lalaban rin sa pagka-pangulo sa Halalan 2022.

Makakaharap nila sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at mga senador na sina Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, na lahat nakausap ni Robredo sa mga nabigong unity talk.

Bago maging Bise Presidente, naging kinatawan si Robredo ng Camarines Sur noong 2013, nang hikayating tumakbo kasunod ng pagpanaw ng kaniyang asawa at dating Interior secretary at Naga City mayor Jesse Robredo sa isang plane crash.

— May mga ulat nina Adrian Ayalin, Bianca Dava, Jamaine Punzalan at Katrina Domingo, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.