Vandolph, Yllana brothers naghain ng COCs para konsehal sa Parañaque

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vandolph, Yllana brothers naghain ng COCs para konsehal sa Parañaque

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Naghain ng kandidatura bilang mga konsehal sa sangguniang-lungsod ng Parañaque nitong Huwebes ang mga actor-politician na sina Vandolph Quizon at magkapatid na Jomari at Ryan Yllana.

Kabilang sila sa ilan pang celebrities na tatakbo sa lungsod sa darating na eleksyon.

Sasabak sa reelection sa district 1 sina Vandolph at Jomari, na pumasok sa konseho noong 2013 at 2016.

Susubukang magbalik-konsehal ni Ryan sa district 2 kapalit ng asawang si incumbent councilor Jean Yllana.

ADVERTISEMENT

Sinamahan si Vandolph ng asawang si Jenny Salimao, na kasalukuyong punong barangay ng Tambo.

Kasama naman ni Jomari ang nobyang si Priscilla Almeda.

Noong 2016, magkakasamang nanalo sa pagkakonsehal ng Parañaque sina Jomari, Ryan, at kuya nilang si Anjo.

Mula sa 2 dekadang karera ng pulitika sa Parañaque pati sa Quezon City, tatakbo ngayon bilang kongresista si Anjo sa 4th district ng Camarines Sur.

Kabilang silang naghain ng mga ibang kandidato sa grupo ni Parañaque 1st district Rep. Eric Olivarez, na tatakbong mayor sa Halalan 2022.

ADVERTISEMENT

Nais ni Eric palitan sa puwesto ang 3rd-termer na kuya niyang si Mayor Edwin Olivarez, na nagbabalak namang bumalik sa Kamara.

Ka-tandem ni Eric para sa bise-alkalde ang dating basketball coach at outgoing konsehal sa 2nd district na si Vincent Kenneth “Binky" Favis.

Tatakbo ang slate ni Olivarez sa ilalim ng PDP-Laban Cusi wing.

Naghain din ng COC bilang bahagi ng slate si Nina Sotto, asawa ni 3rd-termer councilor Wahoo Sotto.

Anak si Wahoo ng aktor at dating konsehal na si Val Sotto. Pamangkin siya nina vice presidential aspirant Sen. Vicente “Tito” Sotto III at host Vic Sotto, at pinsan ni Pasig Mayor Vico Sotto.

ADVERTISEMENT

Tatakbo ring konsehal ang dating "Pinoy Big Brother" teen edition 1 housemate Joaqui Mendoza, anak ni Councilor Jackie Bustamante-Mendoza.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.