Sacred Heart College sa Lucena muling nasunog

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sacred Heart College sa Lucena muling nasunog

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nasunog ang pinakamataas na palapag ng Sacred Heart College sa Lucena, kabisera ng probinsiya ng Quezon, umaga ng Huwebes.

Sa video na kuha ng Bayan Patroller na si Macaroons Villasoto, makikitang naglalagablab ang apoy sa naturang paaralan.

Ayon kay Villasotto, katabi lang ng paaralan ang kanilang bahay kaya agad siyang nagising nang maamoy ang usok.

Ayon naman kay FO1 Patrick Jerome San Vicente, radio operator ng Bureau of Fire Protection sa Lucena, nakatanggap sila ng tawag na nasusunog ang gusali alas-7:49 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Umabot sa second alarm ang sunog at dineklarang fire out alas-10:47 ng umaga.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala nito.

Wala namang nasaktan sa sunog, ayon sa mga awtoridad.

Unang nasunog ang paaralan noong Enero 1, 2019. Ito ang pinakamatandang paaralang Katoliko sa Quezon province.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.