BFAR: Imported na isda darating ngayong linggo

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

BFAR: Imported na isda darating ngayong linggo

ABS-CBN News

Clipboard

Seafood are sold at Nepa-Q Mart in Quezon City on Jan. 21, 2021, amid rising prices of basic goods. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Seafood are sold at Nepa-Q Mart in Quezon City on Jan. 21, 2021, amid rising prices of basic goods. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA—Inaasahang darating sa bansa ngayong linggo ang unang shipment ng imported na isda gaya ng galunggong, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ito ay parte ng 60,000 metric tons ng isda na aangkatin ng Pilipinas ngayong huling kwarter ng taon upang hindi tumaas ang presyo sa pamilihan.

"Tayo po ay nag-aangkat kasi off-fishing season po ngayon," ani BFAR director Eduardo Gongona sa panayam sa Teleradyo Lunes.

"[Bilang bahagi ng] conservation measures, kailangan natin palakihin 'yung mga isda sa ngayon bago sila hulihin. Para mapunuan 'yung kakulangan, kailangan tayong mag-angkat."

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga iaangkat na isda ay mga small pelagic kagaya ng galunggong, matambaka, at tulingan. Magmumula ang mga ito sa Tsina at Vietnam, ani Gongona.

Sa ngayon, umaabot sa P220 hanggang P240 ang presyo ng kada kilo ng galunggong.

Inapubrahan ni Agriculture Secretary William Dar noong Agosto ang pag-issue ng certificate of necessity to import para sa pag-angkat ng isda dahil sa pagsasara ng fishing season. Nagsisimula ang off-fishing season sa bansa Nobyembre.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.