'Sari-saring sakit, nakukuha sa matinding polusyon, trapik' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Sari-saring sakit, nakukuha sa matinding polusyon, trapik'

'Sari-saring sakit, nakukuha sa matinding polusyon, trapik'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 12, 2018 10:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sanhi ng samot-saring malubhang sakit ang pananatili sa sobrang trapik at pollution, ayon sa isang miyembro ng World Health Organization.

Paliwanag ni Ronaldo Quintana, Technical Officer on Road Safety and Non-Communicable Diseases ng WHO-Philippines, may masamang epekto sa tao ang polusyon sa hangin na may kaugnayan sa matinding trapiko.

Pinakaapektado aniya rito ang mga commuter na maaaring makahagip ng sakit gaya ng altapresyon, sakit sa baga, at sakit sa puso bunsod ng pananatili sa matinding trapik.

“Kapag ikaw ay nasa traffic jam o congestion, nagkakaroon ka ng prolonged exposure sa air pollution. Ang air pollution, ito ay may masamang epekto sa kalusugan ng mga tao," ani Quintana, na isang doktor.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Private Hospitals Association of the Philippines president Rustico Jimenez, lalong tatamaan nito ang mga tinatamaan ng high blood at ang mga diabetic.

May epekto rin daw sa emosyon at pag-uugali ng tao ang pananatili sa matinding trapiko, tulad ng:

  • Pagka-stress
  • Anger (pagiging agitated o balisa)
  • Anxiety (pag-aalala)
  • Irritability (pagka-iritable o pagkaaburido)
  • Confusion (pagkalito)
  • Frustration (pagkadismaya)
  • Overreaction
  • Panic
  • Failure (Pagkaramdam ng pagkabigo)
  • Fear (Takot)
  • Paranoia (Pagka-'praning')

“Kapag nagda-drive ka at ‘yung isip mo ay nasa bagay na nagdudulot sa 'yo ng stress, maari kang ma-involve sa isang road crash," ayon kay Quintana, na isa ring doktor.

Umaaray ang mga commuter, tulad ni Sherlyn Cualing, na naghinalang hika ang kaniyang paulit-ulit na pag-ubo dahil sa araw-araw na pakikipagbakbakan sa trapiko at polusyon.

Nagsuot naman ng tig-isang face mask sina Jonalyn Calala at ang kaniyang anak nang sumakay sa jeep para hindi makalanghap ng usok sa kalye.

Bagaman wala pang solusyon sa matinding trapiko, payo ni Jimenez na magbitbit ng pang-maintenance na gamot, at magbaon ng tubig at pagkain para hindi malipasan ng gutom sa kalye.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.