Mahigit 600 na mga pasahero, stranded sa Sorsogon dahil sa bagyong Ofel | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit 600 na mga pasahero, stranded sa Sorsogon dahil sa bagyong Ofel
ABS-CBN News
Published Oct 14, 2020 04:41 PM PHT

MATNOG, Sorsogon - Mahigit 600 na mga locally stranded individual (LSI), authorized persons outside residence (APOR) at returning overseas Filipinos (ROF) ang stranded sa Matnog Port sa Sorsogon simula pa Martes ng gabi dahil sa banta ng bagyong Ofel.

Kinansela ng Philipine Coast Guard ang mga biyaheng pandagat dahil sa bagyo. Papatawid sana papuntang Visayas at Mindanao ang mga pasahero.

Ayon kay Port Manager Achilles Galindes, kasalukuyang nakapila sa labas ng pantalan ang mga stranded na pasahero.

Pinalabas umano nila ang mga ito sa pantalan dahil sa banta ng bagyo. Delikado umano kung sa loob sila ng pantalan mananatili, lalo pa't nag-landfall ang bagyo sa bayan ng Matnog umaga ng Miyerkoles.

Sinabihan na rin umano ang mga pasahero na manatili muna sa kani-kanilang mga sasakyan dahil ginagamit bilang mga quarantine facility ang karamihan sa mga paaralan sa bayan.

Papapasukin lamang umano sila sa pantalan oras na alisin na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa Sorsogon at Samar.

Samantala, 14 na LSI at 1 APOR naman ang stranded sa Tabaco City Port. Papunta sanang Catanduanes ang mga ito.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

- Batangas
- southern portion of Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena)
- central and southern portions of Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio)
- Calamian Islands
- Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- Romblon
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate (including Ticao and Burias Islands)

Inaasahang lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyong Ofel umaga ng Sabado.

- ulat ni Karren Canon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT