Ilang paaralan sa Cagayan nabigyan ng donasyong papel, computer | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang paaralan sa Cagayan nabigyan ng donasyong papel, computer

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Patuloy ang mga public school teacher sa Cagayan province sa paghahanda ng self-learning module. Retrato mula kina Janet Abella Esperanza at Junivin Uy

Nananatiling hamon sa maraming guro sa Cagayan province ang paggawa ng self-learning module, na gagamitin ng kanilang mga estudyante sa distance learning sa mga susunod na linggo ng klase.

Dahil sa dami ng kailangang i-produce, malaking tulong umano sa mga guro ang mga printer papel, printer, at computer na ibinigay ng non-government organization na I-SAVED (Saving Vulnerable, Education and Dreams) at mga kasapi ng mga Sangguniang Kabataan.

Pinondohan ng I-SAVED ang donasyon sa pamamagitan ng mga nakalap ding pondo at income-generating project tulad ng pagbenta ng mga lampara.

Kasama sa mga nabigyan ng printer ang 5 public school sa Alcala, Solana, at Tuao habang computer set naman ang naibigay sa learning center ng Aeta community sa Peñablanca.

ADVERTISEMENT

Pinagkalooban din ng mga gamit I-SAVED at SK Federation ng Cagayan ang 20 guro sa lalawigan, na pinili sa pamamagitan ng botohan sa social media.

"Sana huwag sila mapagod sa paggawa ng mga tungkulin na ikaaangat ng kanilang kagawaran, nang sa gayon ay makamit natin ang quality education," sabi ni John Mauro Manuel ng I-SAVED.

Ayon kay Junivin Uy, guro sa Malummin Elementary School sa Tuao, bagaman may kaniya-kaniyang printer silang mga guro, luma na ang iba rito.

"Sa dami naming kailangang i-print na modules o SLMs (self-learning modules), makakatulong talaga ito," ani Uy ukol sa mga donasyon.

Sa isang subject pa lang, kailangang mag-print ng higit 300 module para sa lahat ng mga mag-aaral, ayon kay Uy.

ADVERTISEMENT

Bawat module ay nangangailangan umano ng 10 hanggang 13 piraso ng papel kaya higit 3,000 ang nagagamit sa pag-print.

Inuumaga rin daw ang mga guro sa pag-produce ng module dahil sa gabi o madaling araw nila naida-download ang files dahil mas mabilis ang internet connectivity sa mga oras na iyon.

Sinabi naman ni Nerissa Abella, punong-guro ng Basi Elementary School sa Solana, naghanda pa sila ng dagdag na modules dahil sa pagpasok ng late enrollees.

"Pagdating ng mga late enrollees, although nai-prepare namin ang modules bago ang pasukan, kailangan namin mag-produce para sa kanila," ani Abella.

"Ang aming pinagpapasalamat ay may mga taong handang tumulong upang maituwid namin ang pangangailangan sa paaralan," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nauna nang ipinag-utos ng DepEd Region 2 na pang-isang buwan na ang ipamahaging module ng mga paaralan para maiwasan ng mga guro ang COVID-19.

Pero ayon kay Regional Director Estela Cariño, hindi ito nagawa ng ilang paaralan sa rehiyon dahil sa kakulangan kaya naging lingguhan pa rin ang pamimigay ng modules.

Nagpaalala rin ang DepEd sa mga eskuwelahan at guro na ipinagbabawal na maningil o mag-solicit ng pam-produce ng modules.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.